Hit as expected
Hindi nakakagulat na tabla ang TNT at Barangay Ginebra pagkatapos ng unang apat na laro sa PBA Governors’ Cup best-of-seven finals.
Unang-una, wala naman sigurong umasa na may maka-sweep sa serye.
Ang malawak na ekspektasyon ay mahaba at gitgitang labanan ng mga tropa nina coach Tim Cone at coach Chot Reyes.
At humaba nga ang serye na ngayon ay magtatapos sa race-to-two matapos tuhugin ng Tropang Giga ang Game One (104-88) at Game Two (96-84) at sinundan ng bawi ng Gin Kings sa Game Three (85-73) at Game Four (106-92).
Crucial ang Game Five sa Smart Araneta Coliseum ngayong gabi kung saan susubok sina Justin Brownlee at teammates na palawigin ang kanilang ratsada, samantalang target nina Rondae Hollis-Jefferson at mga kasama na muling kunin ang series upper hand.
Dahil sa two-day break pagkatapos ng Game Four, fresh na uli ang dalawang koponan at siguradong preparado sa isang dikdikang bakbakan.
Pawang double-digit margins ang nakita sa first four games. Pero hindi ako magugulat na makakita na ng laban na madedesisyunan sa mga huling segundo.
Hula ko na nail-biter ang Game Five.
Datos: Masigla ang serye at masigla ang mga manood ng Ginebra-TNT finale. Record number of spectators sa Ynares Sports Center ang naitala sa series opener, samantalang 16,783-strong crowd naman ang dumagsa sa Big Dome noong Game Four.
Masigla rin ang TV ratings ng serye na ito.
- Latest