Sarah at Kyline, tapos na ang friendship?!
Daming na-curious kung anyare kina Sarah Lahbati at Kyline Alcantara.
Kung ano nga raw ang closeness nila after ng hiwalayan nila sa kani-kanilang partner – Richard Gutierrez and Mavy Legaspi – ngayon daw ay naka-unfollow na sila sa isa’t isa.
Sisters pa naman daw ang turingan nila that time.
Pero ‘yun nga na-trace ng netizens ang tungkol sa unfollow nila.
Na baka naman daw i-deny nila or i-fake news na wala silang issue.
Kasalukuyang nasa Paris si Sarah para sa event ng isang magazine sa Paris Fashion Week.
Zoey, Lani, Ogie, Julie at Darren, bumirit para sa mga batang may cancer
Agad-agad na itinurn ni Ms. Rossel Taberna ang P3.5 million kahapon matapos ang matagumpay na benefit concert – organized by Rossel Taberna’s Outbox Media, last Thursday night, sa Metrotent, Pasig, Thrive concert (A Symphony of Thriving Stories).
Ito ay para sa mga kabataang may sakit na cancer sa Cancer and Hematology Center of the Philippine Children’s Medical Center (PCMC).
Benefit concert lang na parang major concert na dahil kina Ogie Alcasid, Lani Misalucha, Julie Anne San Jose and Darren Espanto. “Maraming salamat po ulit! Nag-turnover po kami ng cash donation kaninang umaga sa PCMC cancer center po. My daughter (Zoey) got emotional po seeing the kids but she’s very happy to celebrate this way po,” sabi ng misis ng broadcast journalist / radio commentator na si Anthony Taberna kahapon.
Na ayon kay Ms. Rossel ay super discounted ang talent fee nina Ogie, Lani, Julie Anne and Darren. “Yes, they really gave us a huge discount and great deal talaga and hindi sila mahirap kausap because they know that this is really for a cause. So, sobrang grateful talaga kami sa lahat ng mga artist na nagsuporta sa amin.”
Three-in-one celebration ang Thrive concert (A Symphony of Thriving Stories) – a plated-dinner benefit concert – 18th anniversary ng Outbox Media and 16th birthday ng cancer survivor na si Zoey.
“Yes, it’s our 18th anniversary.
“Actually, it’s Zoey’s 16th birthday also. Yes, sweet sixteen. So she knows na wala siyang any party actually, nag-Jollibee lang kami kasi naka-mindset talaga siya na... she really wants to spend her 16th birthday na kami lang,” sabi ni Ms. Rossel na nag-celebrate ng 16th birthday last Sept. 25. “Alam niya na ito na talaga ‘yung special celebration. She’s very happy about it.
“By the way, ‘yung speech nilang dalawa ng daughter (Helga and Zoey), she wrote that one. Sila ‘yung nagsulat talaga nun. Siya ‘yung hero ng family namin because she’s the donor of the stem cell, and that’s a hundred percent match, and it only happens 5% sa buong mundo lang ang may hundred percent match.”
Si Helga ang nag-donate sa bone marrow transplant ni Zoey na nagkaroon ng leukemia na kanilang nadiskubre five years ago. “It’s really a hard process so pagdating namin dun (sa Singapore) lahat kami they had to get a lot of blood samples kung sino ‘yung magma-match and si Helga hindi siya nag-hesitate. Ayun medyo advanced lang talaga sa Singapore so we didn’t went through with the manual process, mas high tech pero still nag-struggle pa rin si Helga,” pag-aalala pa rin ni Ms. Rossel sa anak na donor sa kapatid.
At kahit mahal daw ang naging proseso sa Singapore ay nakayanan nila dahil sa tulong ng maraming tao.
Nakakabilib nga ang naging lakas ng loob ng eldest daughter ng mag-asawang Anthony and Rossel.
Nagpakalbo si Zoey nung nalalagas ang buhok niya dahil sa chemotherapy pero ngayon ay cancer-free na si Zoey – since 2022.
Five and a half months din silang nanatili sa Singapore bago gumaling ang anak.
Maaalalang nai-share ng mag-asawa sa social media ang hirap na dinaanan nila na umabot pa sa puntong nag-agaw-buhay si Zoey sa Singapore.
Ngayon daw ay once a year na lang ang checkup ni Zoey.
Kaya naman nakakaiyak ang song number ng magkapatid sa naganap na benefit concert na ‘yun.
Inabot ng halos 11 p.m. ang Thrive concert (A Symphony of Thriving Stories).
At ang next plan ng mag-asawang Anthony at Rossel Taberna, ang pagbubukas ng sariling events place sa Tagaytay.
Linlang ni Kim, big winner sa AAA
Umani ng walong parangal ang ABS-CBN at tinanghal na National Winners sa 2024 Asian Academy Creative Awards. Ang mga nanalo ay lalaban sa pinakamagagaling sa Asya sa Grand Awards na gaganapin sa Disyembre sa Singapore.
Ang mystery-thriller serye na Linlang, na unang pinalabas sa Prime Video, ang tinanghal na big winner at tumanggap ng tatlong parangal para sa Best Drama Series, Best Actor in a Supporting Role para kay JM de Guzman, at Best Supporting Actress para kay Kaila Estrada.
Wagi rin si box-office queen, Kathryn Bernardo, ng Best Actress in a Leading Role para sa kanyang comeback na pelikula, A Very Good Girl. Tumanggap din ng parangal ang seryeng pinagbidahan ni Kim Chiu at Paulo Avelino, ang What’s Wrong with Secretary Kim, isang adaptation ng Viu at produkto ng ABS-CBN, at naiuwi ang Best Adaptation of an Existing Format para sa Scripted na kategorya.
Ang direktor ng Can’t Buy Me Love, na si Mae Cruz-Alviar, ay nag wagi rin sa kategoryang Best Direction (Fiction).
Ang It’s Showtime at ASAP Live in Milan ay nanalo rin ng Best General Entertainment Program at Best Music or Dance Program awards, ayon sa pagkakabanggit.
Pinapangaralan ng Asian Academy Creative Awards (AAA) ang mga pinakamagagaling mula sa 17 tulad ng Australia, New Zealand, Bangladesh, Cambodia, Chinese Mainland, Hong Kong SAR, India, Indonesia, Japan, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, at Vietnam.
- Latest