P1.4 milyong halaga ng shabu, nasamsam sa babaeng dealer
MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga anti-narcotics agents ang abot sa P1.4 milyon na halaga ng shabu sa isang 40-anyos na babaeng dealer na na-entrap sa Barangay Cabuan sa Guinsiliban, Camiguin nitong Miyerkules.
Sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa Cotabato City nitong Sabado, hindi na pumalag pa si Ruby Mapute Gerona ng arestuhin ng magkasanib na PDEA agents mula sa Regions 13 at 10 matapos silang bentahan ng 220 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P1.4 milyon, sa isang entrapment operation sa kanyang tahanan mismo sa Barangay Cabuan sa Guinsiliban.
Naisagawa ng PDEA officials sa dalawang rehiyon ang naturang matagumpay na entrapment operation batay sa mga tip ng mga kakilala ni Gerona na alam ang kanyang malakihang pagbebenta ng shabu.
Ayon sa mga PDEA officials, suportado ng Guinsiliban Municipal Police Station at ng Camiguin Provincial Police Office ang entrapment operation na nagresulta sa pagkumpiska ng P1.4 milyon na halaga ng shabu mula kay Gerona na nakakulong na at nahaharap na kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest