Magsimula nung nagkaroon ng quarantine,
Work From Home na iba’t nagsimula na zooming!
Kung kaya kung tutuusin at iisipin,
Yung mga bata Study From Home pwede rin!
At ito nakasisiguro kong sabihin —
Children will learn from Koreanovela watching!
Hayyy naku, subok ko’t maniwala sa akin!
Kasi habang nanonood ka … you are reading!
Merong English translation kasi sa ilalim,
Kaya pati Ingles meron kang pupulutin!
At pagtagal Koreano marunong ka na rin!
Mas type ko yung orig kaysa Tagalized dubbing!
Karamihan ba naman ng serye ay sixteen
Episodes and “annyeonghaseyo” you keep hearing!
Maganda pa visuals, setting and surrounding —
Pag maraming cherry blossoms and snow is falling!
Pasensya na po’t inyong ipagpaumanhin,
Eh kasi naman ang mga puno sa atin
Hahanapin mo pa kung saan nakatanim!
At yung yelo sa baso’t apa lang ang tikim!
Syanga pala, wala ba kayong napapansin?
Korean drama nagpauso ng English titling!
Ngayon na lang tayo gumagaya … aminin!
Isang hakbang ng globalization ang dating!
Ngunit kultura nila pa ri’y nakadiin!
Kung sino man nagplano nito ay MAGALING!
Tulad na lang ng “The Package” buong opening
Puro dun sa France! Promoting GLOBAL TOURISM!
Kaya while watching eh nagba-viaje ka na rin!
North and South Korea tayo sa “Crash Landing …”,
“Memories of the Alhambra” sa Spain ang shooting
At abangan nyo from Jordan ang bago ni Hyun Bin!
Ang Poet Nyo nga eh sa Art From Home nabaling,
EATFLIX in the morning kasabay na ng sining!
Mass From Home lagi kaya malayo sa sinning,
At para sure maraming “Jesus” pine-painting!
At habang inaabangan natin ang vaccine,
Bakit hindi na muna sa ISKUL opening
(ISKUL: Iskwelang Kulong ang ibig sabihin),
Kayong mga magulang muna ang mag-teaching!
At bakit eh “unang guro” naman ang turing
Higit sa Ina and why do you keep forgetting
Na si Rizal, ating National Hero mandin,
Nasa history, pers titser Mother dear nya rin!
Kaya siguro school teacher “MAM” din tawagin,
Hindi “Ma’am” short for Madam ang ibig sabihin
Kundi MAMA or MOMMY! Don’t you feel like crying?
Ngayon, magsisi kayo! Now, what are you waiting?
Kaya lang ang bata “Houston we have a problem!”
Not one but TWO — First, hindi na pwedeng UMABSENT!
Ngek! And number Two, no more Ladies and Gentlemen,
No more “MAM, MAY I GO OUT?” ang ibig sabihin!
Pero sa totoo eh malaki ang savings
Because no more tuition fee that you will be paying!
And most of all your head will no longer be aching
Thinking about the BAON of your tsikitingting!
But wait Madir, may “Houston we have a problem” din!
Not one but TWO! In other words your case is same-same!
First ngek — you can not sell TOCINO to your children!
And worst of all — less na ang time mo sa TONG-ITS game!
May isang maganda at nakakatawa rin
Na nangyayari madalas nitong quarantine —
Maganda dahil daily online misa namin
And usually sa cellphone ng misis ko galing!
Pino-project namin sa TV para big screen
Kaya lang pag “Ama Namin … aming kakanin …”
Sabay lalabas ilang notifications din —
“Tina’s fruits, gyoza, embotido, also ice cream!”