‘Close-Open-Scissors’

Use OBVIOUS in a sentence — “Obvious ko forgive me!”

Ngek! Forgive me for using You in a sentence! Ngi!

Obvious — halata, bistado, buking, what you see,

So, what’s our topic? Well, it’s NOT the obvious, sorry …

 

He, he… ang gulo ko ba? Kasi para sa’kin

At sa nabasa ko mas maganda sa dilim

Kasi, “some of the greater things in life are unseen,

That is why you close your eyes when you kiss, cry or dream.”

 

Naks, paano ano na ang ating gagawin?

Para walang gulo gawin nating CLOSE-OPEN!

Tutal ‘yan unang pinagagawa sa atin

Ng ating mga magulang na magagaling!

 

Kaya nga mga bata ay ‘wag sisisihin

Kung OPEN lagi ang palad at may hihingin,

Pero kung puro CLOSE naman may problema rin

Pagkat tatanda namang kuripot at sakim!

 

Ngunit ang buhay talaga’y opening-closing,

Aking sasabihin ay ipagpaumanhin

Simula’y opening ng legs pati birth-giving,

Caesarean ka man open pa ri’t bibiyakin!

 

Ano ba obvious? Eh di ‘yung sobra na pare,

Ngak! ABUSE na rin ‘tong trying to be funny!

Tigil muna tayo sa pinagsasasabi,

Obvious, este abuse, este ADIOS pala, pwe!

 

Pag ‘di pwede, DE PWE! Nge! Short for pwera ka na?

Pwede … pero meron pang kunektadong isa

Na waring close-open din na medyo naiba,

Gamit din kamay, nung bata rin nag-umpisa.

 

Bingi ba o maloko lang talaga Pinoy?

Dahil ‘yung JAN-KEN-PON ginawang DYAK EN POY!

‘Yung laro ba natin nung tayo’y mga totoy,

At may dagdag pang, “HALI-HALI-HOY SI KENKOY!”

 

NAGNAKAW NG TIKOY!” kung kayo pa ay ten-bi,

At nag-iba-iba na mga sinasabi —

Nandung naging, “WAN-TU-TRI ASAWA NI MARIE,

ARAW-GABI WALANG PANTY!” napunta s’yempre!

 

Iba-iba epek — may pilit, may terrific,

Yung ROCK-PAPER-SCISSORS naging BATO-BATO-PIK!

‘Di ko alam kung ba’t nagkaganoon ang lintik!

Saan na napunta ang papel at panggupit?

 

Nawawala? Bakit hindi natin hanapin?

PEN-PEN DE SARAPEN, KUTSILYO DE ALMASEN,

HAW-HAW DE KARABAO, BATUTEN! Ngek! Ano YEN?

Eh de pera ng Hapon nakuha sa JANKEN!

 

NANAY, TATAY, GUSTO KO TINAPAY … ang lupet!

ATE, KUYA, GUSTO KO KAPE … daming ek-ek,

‘Yan ang Pinoy, parang sipit namimilipit,

Parang nasisiraan ng bait! Ang kulet!

 

Tulad  na lang ng “other woman” ni lalake,

Dati’y “kabit” lang ginawa pang ESCABECHE!

Sasagot nga lang ng “Oo” o “Yes” na simple,

“YESterday, today, tomorrow!” pa mangyayari!

 

BAKLA- BULARY nga raw tawag nila dito,

‘Di ah pagkat pwede ring sa’ming mga macho,

ONE PLUS ONE, MAGELLAN … TWO PLUS TWO, LAPU-LAPU!

Anak ng put your head on my shoulder naman o!

 

Close-Open nag-umpisa, Dyak En Poy napunta,

Laro ba na may tsamba, ops parang sugal na!

May panalo, may talo at meron ding tabla,

Pag sobrang malas ka, magde-dirty finger ka!

 

Mga kamay at daliri unang laruan —

Sinusubo, sinusupsop, hinahawakan,

Kinukuyom, binubuksan at binibilang,

At s’yempre pa, “I Have Two Hands” kasama na d’yan.

 

Mula sa PAGDEDE … hanggang PAGDEDESISYON

Sa sarili’t gagawin at iyong direksyon,

TO THE LEFT ka ba o TO THE RIGHT lang naman ‘yan,

Maganda kung CLEAN AND BRIGHT iyong mapuntahan.

 

Magko-close na year, mag-o-open naman ng new,

Anak ng TUPA! Mawawala na KABAYO!

Kasi, after Year of the HORSE … SHET, este SHEEP ‘no!

Bago mag-SHIFT, HAPPY NEW YEAR na sa inyo!

 

Bago tayo tuluyang mag-close ngayon dito,

May isang pahabol lang na regalong kwento,

Nangyari exactly 12 days of Christmas ago,

Pati nga si Santa Claus mapapa- Ho, Ho, Ho!

 

Nung nakaraang Eat, Bulaga!  Christmas Party,

Maraming nanalong mga Tomboy at Beki,

Kaya nung turn kong mag-draw una kong nasabi,

“The prize: A 40 inch Samsung LGBTV!”

Show comments