‘From 64 to 16’

“Will you still need me, will you still feed me… when I’m 64?” —

‘Yan ang ilang letra’t si Paul McCartney kompositor,

Sinulat nung 16 years old s’yat inawit ng Fab Four,

But que horror! In 2016, s’ya na’y 74!

 

Ang tulin at tila nagmamadali ang panahon,

Seventy na nga si Jagger when I watched the Rolling Stones!

Sa Macau nag-RAKENROL! Sagad aking satisfaction!

At nandun pa rin Mick-robyo ng moves ng THE TONGUE na ‘yon!

 

Halos dalawang oras — sayaw, talon, lakad, takbo!

Si Ron Wood nga buong show pa ay naninigarilyo!

Ni hindi nga lumaylay sikat na dila ng grupo!

May nagsabi tuloy baka nga naka-“tatlong gramo!”

 

At sinagot naman ito ng Ang Tangeng Poet N’yo —

“Ang konti naman kaya payatot siguro grupo…”

Ngek! Pero nakakagulat talaga sa totoo,

Hindi kaya sila ay may isinusubong… BATO?!

 

Gumugulong na bato — at ‘yun nga sila talaga,

Galaw nang galaw at ang bigat pa ring bumirada!

“A rolling stone gathers no moss” ang kasabihan ‘di ba?

Okay lang dahil mukhang nilulumot na rin sila!

 

Iisipin ngang baka nagbenta ng kaluluwa!

Ngek! At itatanong kung humihinga pa ba sila!

Ngek uli! Pero ang bagsik! Mahirap tibagin ba,

Para bang mga taon sa kanila’y ‘di umubra!

 

Nung isang linggo si Macca sana panonoorin

Sa Tokyo, Japan nang buwan ng May was just seventeen,

Mahaba lipad… maraming “LAPAD”, you know what I mean,

Pero oks lang… McCartney na… may karne na Wagyu rin!

 

Ngunit nagka-Something si Sir Paul at ‘di nakapag-show!

Postponed to Another Day but next day Get Back home na ‘ko!

I’m Down? ‘Di naman Because mas John Lennon kasi ako,

Not much of the show, but THE SHOE… ‘yung Hermes shoes kong bago!

 

Si Hermes o Mercury kailangan ni McCartney,

His doctor said na-virus s’ya! Throat ni Macca maccati?

Maccapagpahinga lang daw si Macca maccabubuti,

But Rod Stewart no puede! Paos na talaga kasi!

 

Habang nasa eroplano nung papunta ng Tokyo,

Nabasa ko na for ladies may procedure na bago —

“Pussy Kip” o tightening kuno ng parteng pribado!

“Flower Arrangement” o “Landscaping” dati tawag dito.

 

Ang “hiyas” daw ng babae’y magmimistulang bago!

Sa isang paraang pasampu-sampu lang minuto!

At sa ilang pagbisita pa ni misis ay… presto!

Magiging Sweet SIKIPSTEEN if you are Sisenta’y Kwatro!

 

Nung ma-include ang pangalan ko sa winners ng PEP List

Nang tanghaling Male Treasure of the Year mula sa showbiz,

Nag-joke pang Pussy Enhancement Procedure ang PEP sa speech,

Ngayon, what’s your guess sa aking verdict? Of course, it’s a YES!

 

Ayos na ayos lang dahil pag-aayos naman ‘to,

‘Wag na tayong malisyoso at mga ipokrito!

‘Wag nang magselos at mailang mga medyo lolo

At baka manumbalik din pagiging binata n’yo!

 

Sabi sa uso, “at the end of the day,” it is her neck,

It’s your body girl and it’s your right din to feel fresh! Korek?

At sigurado naman akong ang malamang epek —

Si mister uuwi agad “at the end of the day!” Ngek!

 

At tama rin namang ang prinsipyo ninyong susundin —

Maganda ang panlabas… dapat ang panloob na rin!

Dahil ‘yan naman lugar na pinanggalingan natin,

Tumpak lang lingunin… at pag may time… ayus-ayusin!

 

For me, ito na ang THE BEST sa lahat Vicki Belo!

Sa seryo, you can call it TRUE VICKI-TORY sa name mo,

Sapagkat nasapul mo talaga ang “THE PLACE TO DO!” —

At ‘yay walang iba Miss Belo kundi… dyarannn! BELOW!

Show comments