Naturalmente ang tao ay kuntento na
Na may dalawang kamay at dalawang paa,
Sampung mga daliri s’yempre ang kasama,
May ilong at bibig, dalawang tenga’t mata.
Kung minsan sa katawan nati’y may bonus pa —
Tulad dimples o biloy na tila alkansya;
Mga nunal na lugar magandang-maganda
At kung ano-anong balat, mantsa at marka.
Kunsabagay, sasabihin naman ng iba,
Posible na ngayon ‘yan, “salamat sa syensya,â€
Pati nga mga dimples nailalagay na,
Labi’y tumatambok, lumalaki “papaya!â€
At ‘yung iba nga hindi man nagpapa-syensya,
Wala namang paki’t waring tinatamad pa,
At sa sariling kamay batas kinukuha —
Binubutas o tattoo na lang ang kilay n’ya!
Subalit ang likas iba pa rin talaga,
Ubrang ipagmalaki’t mapuri ng iba,
Wala pang sasakit o magiging problema
Pag may natuwa’t napindot o madisgrasya!
Ngunit sarili n’yo ba’y na-imbestiga na?
Baka may “biyaya†o bonus na makita,
Baka may mga bagay kayong kakaiba —
Kili-kiling makinis o pisnging mapula.
At kung mga guhit ninyo’y dumarami na
At mga “regalo†ay hindi pa makita,
Ba’t ‘di subukang mga kamay n’yoy ibuka
At sa guhit ng palad baka may mapuna!
Tulad ng Ang Poet N’yo, naku alam n’yo ba?
Kailan ko lang nasulyapan at nalaman na
May “BITUIN†sa gitna ng palad ko pala!
At sa kabilang kamay taglay ay “PUSO†pa!
O, ilan sa inyo ang pwedeng magsabi na,
“I have my star and my heart in my hands!� Yeah, yeah, yeah!
At ang matindi nito sila ay sabay pa!
“O eh ano ngayon?†sasabihin ng iba!
Wala lang, marami lang akong napupuna,
Ano’ng malay n’yo may gamit pala talaga,
Bukod sa sila’y isang pagpapakilala,
T’yak may mensahe ‘yan at hahanapin ko pa.
Guhit daw ng palad ay kapalaran ‘di ba?
Sa iba’y senyales o pagpapaalala,
At kung may katotohanan nga ang nauna
Ay magandang pag-aralan nang mapaganda.
Ngunit sino pagtitiwalaang bumasa?
Sa isang manghuhula pauubaya ba?
O ikaw na sarili mo na lang maghusga
At gumuhit ng larawang nais makita?
Guhit ng palad ano nga ba ang halaga?
Sa mga hakbang sa buhay gabay ba sila?
O panaginip lang ang kanilang kapara?
‘Di maipaliwanag hanggang wala ka na!
Hindi naman kaya ito ay isang giya
At kung ano ang mga hugis na meron ka,
Iugnay mo at gawing gabay sa pagpasya
Kung pa’no mo magagawang sa ‘yoy magbunga.
Loob pa lang ng sinapupunan ni Ina,
Kasabay ng pagkabuo nati’y mga linya
Sapagkat kung wala ang mga guhit, aba!
Robot o kaya’y manyika ating kapara!
Kunsabagay nga ang tao pag matanda na,
Pinaaalis sa botox ang mga linya,
Ngunit sa palad kung walang gatla-gatla ka,
Malabo ang “close-open†kapag baby ka pa!
Pagkakataon ay bilyon-bilyon sa isa
Na dalawang tao magkapareho linya,
Kaya ipagdiwang kung guhit ay kaiba,
Tandaang pagsumpa hinaharap ay sila!
Nag-aatubili ngang ipagmaingay pa,
Tila ba pagyayabang ang dating nung una,
Subalit ano ba ang pakialam nila?
Eh ilan bang tao sa palad may estrelya?!
Kaya eto ako’t pagkaguluhan n’yo na!
Ang Poet N’yong kung ano-anong nakikita,
Isisigaw na at may suntok sa dibdib pa —
“Me Starzan … may STAR sa left hand! Ah-ah-ah-ah-ahhh!!!