Sa tuwing sa himpapawid ay maglalakbay,
Sa pagsusulat ang oras ko’y pinapatay,
Kung ano-anong paksa’t mga bagay-bagay,
Madalas nanganganak nang walang panganay!
Kung ano ang pumasok at bagong makita
Ang nagiging mikrobyo ng mga istorya,
O isang pangyayaring biglang naalala,
Minsan nga’y ‘di ko alam kung saan papunta!
Basta lang mga bagay, kwento at ideya
Na nang aking malaman ako’y napatawa,
Sapagkat kung hindi ay kalimutan n’yo na!
Ayaw kong magpalalim… layo’y magpasaya!
At kaya Ang Poet N’yo waring nakatira,
Ops! Hindi ‘yung “nakatira†na naka-drugs ha!
Nakatira’t ginawang bahay na maleta,
Sapagkat lakbay nang lakbay hanggang kaya pa!
At dahil sa mga pagtalilis kong ito,
Nadaragdagan mga bagong ikukwento
At ibinabahagi ko naman sa inyo,
Medyo sumasakit na nga paa’t bewang ko!
Para nga ‘kong si Hermes o Mercury nito
Na nagsisilbing aba ninyong mensahero!
But oks la’t may bibilhin ding Hermes shoes ako,
But first stop: Mercury… para sa “maintenance†ko!
Why travel? Op kors para lagi ring may bago,
Araw-araw ba naman kasi sa TV show!
And why Hermes shoes? Eh ‘yan kasi paborito,
Why Mercury? Kasi gamot ay laging bago!
Ngek! At bago mapunta kung saan pa tayo,
Eto ilan sa mga nakita kong bago —
Una, nakita at sinakyan ko pa ito —
The Highest Observation Wheel sa buong mundo!
The HIGH ROLLER! At swak na swak pangalan nito
Dahil sa Las Vegas ito makikita mo,
Dati ay Ferris Wheel ang tawag o TSUBIBO,
Gumegewang-gewang pa’t medyo delikado!
Nung unang panahon sakay lang ay two by two,
Dito sa isang “car†kasya kwarentang tao!
Pinapayagan pa nga ang mag-party dito!
Pwedeng drink and dine… and dance! Rock and Roller na ‘to!
Ang London Eye ‘di naman sa minamata ko,
The Singapore Flyer… pang-hamster na lang kayo!
Mukhang ito bagong labanan sa turismo —
You are nothing if you don’t have a BIG TSUBIBO!
But wait, hintayin natin ang mga Arabo
At sa World Records ‘di ito nagpapatalo,
Tallest Building in the World hawak na nga nito!
Dubai nga sa disyerto may skiing and snow!
Palagay ko isa lang sasabihin nila —
“Walang problema sa ‘Ferris’ basta’t may FERA!â€
Ngek! Eh tayo nga Mickey Mouse lang ay wala pa…
Mahirap pa tayo sa daga sabi nila!
From “tsubibo†punta naman tayo sa NOBU,
Hai! Sa Nobu Hotel nandoon Ang Poet N’yo,
‘Di na lang sila KUSINA kundi CASINO!
Kasi nasa loob ng Caesars Palace ito!
Modern Japanese ang gimik at ang style dito,
May upuan sa shower! Popong na totoo,
Pero pagdating sa tsibog iba ang Nobu —
Sila na High Roller kumbaga sa tsubibo!
Pagdating sa hotdog “Pink’s†may rival na —
“Haute Doggery†— tunog hotdog na fashionista?
“Half Hotdog. Half Amazing.†‘yan ang press release n’ya,
Kung ganon HALF DOG dapat itawag sa kanya!
Amazing ba ‘kanyo? Eto ang ewan ko na —
Sa QUAD pa rin, may ATM at merong pila,
Ngunit wala kayong makokolektang pera!
Why? Kasi CUPCAKES ang lumalabas sa kanya!
Ngek! Iba na talaga ang takbo ng mundo,
Pag nag-“withdraw†dudukot ka pa sa bulsa mo?
Sa ATM ‘di na lang CASH TAKE… CUPCAKE din ‘to!
At siguro naman ay walang nang SCAM dito?!
Hayyy sa Las Vegas ang dami mong makikita —
Dati pag kids nag-swimming merong salbabida,
Subalit sa Golden Nugget “lifeguard†ay iba —
Kalanguyan ng mga bata ay PATING na!
Ngek! At dito lang ‘yung pag ikaw ay nagsimba,
Pwedeng casino chips iabuloy sa misa!
At nung Jueves Santo lang may nangumunyon na
May “DEVILS†na tatak sa likod ng T-shirt n’ya!
Eh kasi naman din paglabas ng kapilya,
Hooters Hotel-Casino sa ‘yoy babalandra!
Nung Holy Week kahit may “Washing of the Feet†pa,
Eh tuloy pa rin Cashing of the Chips nila!
Pero relihiyoso naman daw talaga
Ang mga taga-Vegas at ditong turista,
Bukod sa nagkalat pangkasalang kapilya,
Panay dasal ng lahat jackpot ay makuha!