'Oh Fruity Woman'

Minsan ay nagtagpo mga magdadabarkads

Na bungang-kahoy tungkol sa mga palakad

Ng isang beauty contest nilang ilulunsad,

Tawagin natin ang meeting nilang …. FRUIT SALAD!

Patimpalak kagandahan ng mga prutas,

Kahit anong kulay, hugis, laki at katas,

Para ding Miss Universe ang lahat at patas,

Kasali lahat — saging, pinya, pakwan, ubas.

Ngunit titulo pa lang nagkakagulo na —

May “Fruity Baby” … “Fruity Woman” at iba pa,

“Piling-Piling Pilipinas,” say ni Banana,

Nag-alsa ang lahat, “O eh di mag-solo ka!”

At nagwagi sa huli ay “Oh Fruity Woman”,

Oks daw dahil O.F.W. pa nga naman,

At nagsimula bangayan at yabangan,

Subalit si Balimbing ay tahimik lamang.

Sapagkat ang kanya lamang kinakatwiran

Ay siya naman ay uubra kahit saan,

At kung sa fruity contest na ito’y talunan,

Eh di sa Miss Gay Fruits naman daw sasalihan.

Bulong ni Kasoy s’ya sexiest kanyang tingin,

Sabi ni Makopa, “Buto mo lang may dating!”

Kung s’ya nga daw rosy cheeks ang puti pa mandin,

Pero tao ‘di naman sila pinapansin.

Si Mangga’t Pinya ngumingiti lang nang lihim

At ganon na rin ang maputing si Mangosteen,

Lamang sila sa iba kanilang paningin,

Dahil silang tatlo lagi namang may asim.

Tatawa-tawa naman ang batang si Buko

Kasi s’ya na daw pinaka-masabaw dito

At sa question and answer walang mananalo,

Pagkat kanyang mala-uhog ang utak nito.

Pinakamataas kanyang pinanggalingan

At sa talent portion maraming nalalaman,

Pwede sa salad, juice, pie at pangkabuhayan,

Madalas nga lang mahulog at mabukulan!

Marami ring nakikialam at maingay

With Ang Kiukok’s ‘guavas’ and ‘avocados.’ They say that too much fruits will result in fururuits.

Tungkol sa Special Awards na ipamimigay,

Puro panlalamang lang kasi mga pakay,

Mga panukala’y pansarili lang tunay.

Si Pineapple ay Best Eyes ang kanyang suggestion,

Best Hair naman pinipilit ni Rambutan,

Best in Tusok-Tusok naman para kay Durian

At si Bayabas ay sa Best in Tuli naman!

Marami rin ang nag-aalangang sumali —

Si Lansones na sa Bangkok bagong retoke,

At ang namumula sa hiyang si Strawberry

Pagkat marami s’yang buto sa mukha kasi.

Marami ring candidates ang tinututulan

Ang pagsali at pagrampa nitong si Durian,

Kung maaari daw’y hiwalay na bihisan,

Pa-star ang lahat si Kaimito’y sinapawan.

Nang ‘di kaginsa-ginsa sila’y natigilan

Sa dahilang meron silang nakalimutan,

Sino nga ba magdya-judge sa kanilang laban?

Mga gulay nga ba o sila-sila na lang?

Kaya nangyari contest ay pinagpaliban,

Nagbeso- beso pa nga mga tinamaan

Ng lintik na mga prutas sa kaplastikan,

That’s why maraming plastic na fruits sa tindahan!

*   *  *

Today is the birthday of my pretty baby daughter Jocas Eightria. Happy Birthday anak from Mommy and Daddy. We love you very much… so come home na! Magastos ka na!

Show comments