'Comedy & Tredici'

Nuong July 8 ay may isang pangyayari,

Isang unforgettable Eat, Bulaga! story —

Sa Venezia, Italy ay nag-breakfast kami,

Nag-lunch sa Milano at dinner sa Firenze.

At sa totoo lang nagkape pa sa Brescia,

Merienda sa Parma at uli sa Bologna,

Sa loob ng ‘sang araw naganap lahat s’ya,

Ang mga Dabarkads taga-Eat nga talaga!

Pero mahalaga’t pinaka-importante

Para sa akin sa nakaraang biyahe

Bonding ng Dabarkads and everybody happy

At pa-sosyal ang arrive dahil Made in Italy.

At siempre pa rin marami mga nangyari

Na nakakatuwa at mga nadiskubre,

Tulad ni Allan K. narinig kong sinabi,

“I have no horoscope because I come from a poor family.”

Kung sumobra man po sa syllables na trese

Ang last line sa sinundang stanza eh I’m sorry,

Pagbigyan na natin at kwela naman kasi,

Sometimes if you shorten nawawala comedy.

And here is another really short but “sweet” story

That happened in Milan and it is about Wally,

At nagkataon ding it is about family,

I was there when he made a phone call to his honey.

“I am right here sa Galleria sa Milano,

I came na from Prada... Louis Vuitton na ako...

Eh ang sukat ng mga bata I do not know...

Ice cream na lang kaya dear ipasalubong ko sa inyo?”

Ngek! Ang syllables na naman po ay sumobra

Sa huling linya ng sinundan nating stanza,

Pasensya uli at ‘di pa tapos istorya,

Pagdating pa ng Florence ito’y nasundan pa.

Nang muli kong marinig kalbo kong kasama,

“Sweetheart, mga ginto dito wow ang gaganda,

Kwintas, hikaw, bracelet Made in Italy talaga,

Pero mga postcards ang gaganda rin pala!”

O ayan ang last line na punchline eksakto na,

Trese na lang silabo at ‘di na sumobra,

Sumobra na lang tipid nitong si Bayola

At sobra-sobra din ang aming katatawa.

 

Humaba man o sakto basta mahalaga

Ang kwento at tula ko’y nagbibigay — saya,

Joey DALI-on and Wally DALI-naubos ang buhok after seeing The DALI Universe exhibition at the Museo Diocesano Di Venezia.  

Ang inyong lingkod mahilig lang na talaga

Na hamunin ang sarili’t pahirapan pa.

Labintatlong pantig sa bawat linya gamit,

Sapagkat mahal ko ang numerong nabanggit

At sa nagsasabing malas ito at bwisit,

‘Wag magalit... nasisiraan ka ng bait.

Lahat ng anak ko akin lang na maulit,

Thirteen letters lahat mga first names na gamit,

Isa pa kung bakit trese sa’kiy malapit —

One and three kasi letter “B” pag pinagdikit.

Simula ng “bukol”... simula ng “bulaga,”

Simula rin ng “buhay”... una ng “biyaya,”

Balikan na natin “B” na dinadakila —

‘Yay “biyahe” sa Italia ng Eat, Bulaga!

Marami na ring ulit aking napasyalan

Itong bansang hugis botas nung nakaraan,

Ngunit may napansin ako ngayon na lamang —

Umbok sa mga sulok ng mga lansangan.

Lalo na sa sulok ng bahay at gusali,

Naging simentong nuno sa punso sa wari,

‘Yun pala’y panlaban ng may-ari sa “ari”

Na ‘di sumusunod sa bawal na pag-ihi!

Dahil kapag tinuloy iyong pang-wiwi-sik,

Tiyak na babalik din sa ‘yo ang tilamsik,

Pag sa ‘Pinas kaya ginamit ganyang gimik,

Sa kulit natin malamang pa ring ipilit.

Won’t work pa rin ito sa mga dyingel adik,

Face and wet the corner pa rin ang mga lintik,

At kahit hirap at magkapili-pilipit,

Labas ang “pipit” at sa sulok dikit-siksik.

Show comments