Natapos na rin ang “katapusan ng mundo,”
May 21 Judgment Day two Saturdays ago,
Kasalanan din kasi ‘yan ng mga tao,
Mga judges sa TV shows kasi’y nauso.
Kaya ‘wag sisihin itong Family Radio,
Ang grupong humula sa paggunaw ng mundo,
Parang blind item lang ‘yan o tsismis kung gusto,
I am sure that now pinagtatawanan kayo.
At malamang may linya pa silang ganito,
“Tingnan n’yo sila parang sira mga ulo,
Laman tayo ng lahat — diario, TV, radio
At ating gawain ay kinokomentaryo.”
At ‘yan ay patotoo na globalisado
Na ang mga gimik ng pananarantado,
At malamang maghamon pa ang grupong ito —
“Kung sino walang niloko, unang bumato.”
Kaya sa mga buhay n’yo ay bumalik na
At balikan mo na rin ang dating problema —
RH Bill na nalimutang pansamantala
At RH sa Judgment Day naging Rupture... Hernia?
Ako ay lumayo muna ng milya-milya,
Mula sa semilya napunta sa Sevilla,
Nag-reunion muna sa ditong kapamilya,
Yes, mi Papa nag-iwan dito ng semilya!
Medyo iba ang planning nun ng aking ama,
Ito ay nangyari nung dekada cincuenta,
Nabago eksena pagpunta ng España,
RH n’yay naging Reproduccion Hispanola.
Kung kaya nag-hola at nag-hasta la vista
Sa mga hermanas y hermano na medya,
At kung tatanungin ninyo at ilan sila —
Ocho! Mas mucho esperma dar de Papa!
Pero nung unang pagdating namin ng Lunes,
Pag lapag sa Barajas ay medyo nainis,
Kasi muntik nang mag-taong grasa’t mag-burles,
Pagkat maleta namin naiwan sa Londres.
Naalala bigla nung mag-check in nung Linggo,
Mga bag tags ay “MAD” for Madrid dahil check thru,
Pero “MAD” pala sa iba nagkatotoo —
I got mad dahil na-madyik ang bagahe ko.
Pero habang sa equipajes ay nauulol,
Nang nagde-desayuno next morning ay may call
At mabuti daw we left Heathrow the day before
Dahil sa Iceland volcano ay nagka-ash fall.
Naisip ko tuloy ano ba mas mabuti?
‘Yung hindi nakalipad but with our bagahe,
O ‘yung isang araw na mag-amoy mapanghe?
Closed na El Corte Ingles wala nang mabili.
So for 48 hours o dalawang “araws,”
Tiniis kong lahat — shower and change ay alaws,
Pero briefs kong suot ay hindi “naninilaws,”
It’s clean because I washed it! Presko si Mickey Mouse.
Kahit may nabili na sa El Corte Ingles
Nung next morning ng napakainit na Martes,
I mean presko kay Pedro akin lang iningles.
So nang mag-lunch sa restaurant na world’s earliest,
Since 1725 ‘yay ayon sa Guinness —
BOTIN sa Cuchilleros — lechon one of the best,
May “pabitin” hanggang mag-Churros sa San Gines.
Kaya sa titulo ng aking artikulo,
Kayo na ang bahalang mag-isip kung ano,
Pwede ring sa RH Bill ito’y konektado,
Well, Oh my One and Only story... lusot na ‘ko!