"I felt somebody jumping on one side of the bed," Rita told Funfare. "When I looked, I saw this little baby smiling at me playfully, jumping up and down. Before I could reach him, he disappeared. When I saw him again in another instance, he was with his parents."
Rita (and Erik) didnt have any idea what the background of the baby ghost was but her friends concluded that Rita must have lost her baby (when Rita was two months pregnant) because of the baby ghost who was "jealous," not wanting to have another baby share Ritas attention and affection.
"So what I did was talk and plead to the baby ghost to relent," said Rita. "I had him exorcised out of our house."
Two years after she lost her baby, Rita is (four months) pregnant again, with a boy according to a recent ultrasound.
"I owe this baby to prayer," said Rita who made a devotion to the Sto. Niño (the one dressed in green).
But Rita (and Erik) wont let go of the two baby dolls, named Pipoy and Mimay, which Rita would dress up and cuddle as if they were real babies as part of her grieving process.
"Some people thought I was out of my mind," laughed Rita. "What they didnt know is that Erik and I had Pipoy and Mimay early in our marriage, even before I got pregnant the first time. Wala lang; laruan lang namin."
Besides the baby shes due to deliver in November, Rita is also "conceiving" another one and its none other than the book for children she has been working on for several months now. (Note: Publishers who may be interested can contact Rita at landline 929-9846 or at e-mail em_an_elf@yahoo.com or mimaymi@pldtdsl.net.)
So its a "twin" delivery for Rita if and when.
I begged Rita (whose real first name is Ana Marie) to give Funfare a sample of her works and I chose the following poem-story entitled Si Erik Tutpik at si Ana Taba:
Magkaibigang matalik, nakapagtataka.
Sa pangangatawan na lang, silay magkaiba,
Si Erik ay parang tutpik, si Ana ay mataba.
Dahil sa kanilang magkaibang pangangatawan,
Silay laging pinagtatawanan,
Ng mga salbaheng bata na wala namang alam,
Kundi ang mainggit, mang-asar at manlamang.
Minsay itinulak nila si Ana at itoy nadapa,
Iniwan nilang mag-isa na pinagtawanan pa.
Si Erik man ay kanilang pinipintasan,
Pinagbubulungan at pinagkakaisahan.
Sina Erik at Anay di lumalaban,
Tatahimik lamang kahit masakit ang kalooban.
Panlaban ni Erik ay manalangin,
Si Anay iiyak, saka kakain.
Lagi silang tampulan ng tukso at pagkutya,
Panlabas na anyo lamang ang nakikita ng iba.
Ngunit marami silang di alam tungkol sa dalawa,
Sina Erik at Ana ay mga pinagpala.
Magkaiba man sila sa kanilang mga gawa,
Pareho naman silang may asal na maganda.
Si Erik ay masipag, si Ana ay tamad,
Bagamat pag siyay nangako, itoy kanyang tinutupad.
Maaga pa lamang, si Erik ay naglalakad na,
Kumukuha ng pagkain ng baboy na alaga niya.
Samantalang si Anay nakabulagta pa,
Panay ang hilik, bibig niyay nakanganga pa.
"Bilisan mo!" bulahaw ng ama ni Erik,
Hanggang sa mga dala niyay tumalsik-talsik.
Napabalikwas si Ana, mga matay nanlisik,
Nagising kasi sa ingay ng mga biik.
Oink! Oink! Oink! Ingay ng mga biik,
Sa mga binti ni Erik, silay nagsusumiksik.
"Ay mga alaga ko, sobra kayong makukulit!"
Binangga tuloy ni Inang Baboy si Erik sa Kanyang puwit.
Pagtanaw sa bintana, nakita ni Ana ang kaibigan,
Masipag itong nagtratrabaho kahit pawisan na.
Ni munting yamot sa mukhay di kakitaan,
Kaya init ng ulo ni Anay napawi na nang tuluyan.
Biglang kumalam malaking tiyan ni Ana,
Sapagkat ito ay gutom na pala.
Dali-daling takbo sa kanilang kusina,
Kuha ng keso, tinapay, at mantikilya.
"Mano po inay, pupunta lang ako sa kabila,"
Natawa ang ina sa nakitang bitbit niya.
Ang matabang anak, buong kusina ata ang dala,
"Erik! Erik!" masayang sigaw ni Ana na kumakaway pa.
Napangiti si Erik sa kanyang nakita,
Pagkat di nakalimot sa ipinangako si Ana.
Na tuwing Sabadoy silay magsasalo,
Sa pagkaing masarap, tiyan nilay tiyak lolobo.
"Bwahaha! Nagsama na naman si Tutpik at si Taba!"
Ito ang tukso ng mga salbaheng bata.
"Belat! Belat!" Sabay ng kanilang pandidilat,
Silay walang magawa kungdi manukso at manira.
Sina Erik at Ana ay nagkatinginan,
Pareho lamang ngumiti at nagkaintindihan.
"Sige Ana, ako ay sumusuporta,"
Kayat lakas loob tumayot lumapit sa kanila.
Iniisip ng mga itoy aawayin sila ni Ana,
Ang ibay natakot, ang ibay umamba.
Natawa si Erik sa mali nilang akala,
Pakiramdam kasi nila lahat ng taoy sing-sama nila.
"Wag nyo kaming awayin,
Halinat kamiy may sasabihin.
Pinaghanda ko rin kayo ng makakain,
Narito at inyong tanggapin."
Nagtaka ang mga bata sa kanilang nakita,
Maling asal nila, sinuklian ng tama.
Nahiya ang mga itot humingi ng tawad,
Mga uloy napayuko, sabay alay ng palad.
Kinamayan sila nina Erik at Ana,
Walang masabi, mga batay nakanganga.
Gulat na gulat sa kabutihang nadama,
Mga ginintuang puso ang nakita nila.
Masayang bumalik ang magkaibigang matalik,
Sa kanilang pagkain at pananahimik.
Bagamat magkaiba sa maraming bagay,
Silang dalaway laging mabuti ang pakay.
Kaya kayong mga bata,
Sa panlabas na anyo huwag humusga.
Kilalanin ang kapwa,
Nang ang gintong kalooban ang inyong makita.