Then there too is her reputation as a respected grand lady of Philippine showbusiness, an actress and producer known for her strength in sticking to and fighting for what she believes is right and woe to those who dare cross her path. This time around though, she takes on a frivolous role, that of a woman who is able to swing, have fun, laugh at her own foibles and be the kind of doting grandmother kids love to have around. So with her chandelier earrings, denim terno and now trademark headache band, she exudes a pop persona who can do Michael Vs Sinaktan Mo ang Puso Ko with total conviction.
But together with these songs plus Hanggang, Yesterday I Heard the Rain, Cant Take My Eyes Off You, Night and Day, For All We Know, Kahit Na and Ngayon Pa Lang, Tagumpay Ka Na, a duet with her granddaughter Cris Villonco, there is a narrative cut penned by the Palanca Award-winning writer Pete Lacaba, Tagubilin at Habilin. Featuring Ryan Cayabyab on the piano, I have to admit this piece does take on novelty overtones because of its presence in the Pop Lola album. But although a seemingly light-hearted romp, it is actually a call for all of us to be our better selves if we want this to be a better world to live in.
Because of this, I really thought Tagubilin makes for apt reading and of course listening to as we contemplate the arrival of the New Year within the next few hours. Take note of these words we can live by in 2004 and all the years to come.
"Mabuhay ka kaibigan!
Iyan ang unat huli kong tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!
Sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo
Mayaman ako sa payo.
Maghugas ka ng kamay bago kumain.
Maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain.
Pero huwag kang maghuhugas ng kamay
Para lamang makaiwas sa sisi.
Huwag kang maghuhugas ng kamay
Kung may inaapi na kaya mong tulungan.
Paupuin mo sa bus ang matatanda at ang mga may kalong na sanggol.
Magpasalamat ka sa nagmamagandang-loob.
Matuto sa karanasan ng matatanda
Pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma.
Huwag piliting matulog kung ayaw kang dalawin ng antok.
Huwag pag-aksayahan ng panahon ang mga walang utang na loob.
Huwag makipagtalo sa bobo at baka ka mapagkamalang bobo.
Huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangang sumigaw.
Huwag kang manalig sa bulong-bulungan.
Huwag papatay-patay sa ilalim ng pabitin.
Huwag kang tutulog-tulog sa pansitan.
Umawit ka kung nag-iisa sa banyo.
Umawit ka sa piling ng barkada.
Umawit ka kung nalulungkot.
Umawit ka kung masaya.
Ingat lang.
Huwag kang aawit ng My Way sa videoke bar at baka ka mabaril.
Huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan.
Dahan-dahan sa matatarik na landas.
Dahan-dahan sa malulubak na daan.
Higit sa lahat, inuulit ko: Mabuhay ka!
Maraming bagay sa mundo na nakakadismaya.
Mabuhay ka.
Maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas.
Mabuhay ka.
Sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan
Kung minsan ay gusto mo nang mamatay.
Gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig.
Gusto mong magbigti kung napakabigat ng mga pasanin.
Gusto mong pasabugin ang bungo mo
kung maraming gumugulo sa utak.
Huwag kang patatalo. Huwag kang susuko.
Narinig mo ang sinabi ng awitin:
Gising at magbangon sa pagkagupiling,
sa pagkakatulog na lubhang mahimbing"
Gumising ka kung hinaharana ng pag-ibig.
Bumangon ka kung nananawagan ang kapus-palad.
Ang sabi ng iba: Ang matapang ay walang-takot lumaban
Ang sabi ko naman: Ang tunay na matapang ay lumalaban kahit natatakot.
Lumaban ka kung iningungudngud ang nguso mo sa putik.
Bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka.
Buong-tapang mong ipaglaban ang iyong prinsipyo
Kahit hindi ka sigurado na agad-agad kang mananalo.
Mabuhay ka, kaibigan. Mabuhay ka.
Mabuhay tayong lahat."
And heres wishing everyone a blessed and prosperous New Year.