^

Dr. Love

Pagod na sa sermon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si “Mia,” 22-anyos at panganay sa tatlong magkakapatid. Mahal na mahal ko po ang nanay ko, pero sa totoo lang, napapagod na rin ako sa mga sermon niya.

Halos araw-araw, may mali sa ginagawa ko. Kapag may nakalimutan ako, sermon. Kapag hindi ko agad nagawa ang ipinapagawa niya, sermon. Kahit sa maliliit na bagay, mahaba ang paliwanag at paulit-ulit niyang sinasabi kung gaano ako kakulang bilang anak.

Alam kong gusto lang niya akong itama at ma-
ging mabuting anak. Pero minsan, hindi ko na alam kung payo pa ba iyon o pangungutya na. Unti-unti, bumababa ang tiwala ko sa sarili. Pakiramdam ko, kahit anong gawin ko, hindi pa rin sapat.

May mga pagkakataon na ayaw ko nang magsalita kapag kasama siya dahil baka may masabi na naman siyang mali sa akin. Para akong natatakot gumawa ng desisyon dahil baka mapagalitan na naman. Dumating na rin sa punto na pakiramdam ko, nabu-bully na ako sa sarili kong bahay.

Hindi ko naman gustong lumaban o sumagot sa kanya. Gusto ko lang maramdaman na anak niya ako na maaari ring magkamali, mapagod at matuto nang hindi palaging nasasaktan sa mga salitang naririnig ko.

Dr. Love, paano ko po sasabihin kay mama na mahal ko siya, pero nasasaktan na rin ako sa paraan ng pagsasalita niya sa akin?

Mia

Dear Mia,

Hindi masama ang mapagod sa paulit-ulit na sermon, lalo na kung ang mga salita ay unti-unti nang sumisira sa iyong tiwala sa sarili. 

Huwag mong hinta-ying lumalim ang sama ng loob. Pumili ka ng tahimik na pagkakataon at sabihin sa kanya nang mahinahon ang naararamdaman mo.

Minsan, kailangan lamang malaman ng isang magulang na ang mga salitang akala niya’y simpleng sermon ay may bigat palang dinadala ng kanyang anak.

DR. LOVE          

DR LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with