^

Metro

11-anyos tinangay ng baha

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
11-anyos tinangay ng baha
Sa pagsisiyasat ng Valenzuela City Police, nangyari ang insidente bandang alas-2:35 ng hapon nitong Sabado sa isang creek malapit sa Bahay Kalinga sa R Jacinto St. ng nabanggit na barangay.
File photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang 11-anyos na bata matapos na tangayin ng baha Sabado ng hapon sa Brgy. Canumay West sa Valenzuela City.

Sa pagsisiyasat ng Valenzuela City Police, nangyari ang insidente bandang alas-2:35 ng hapon nitong Sabado sa isang creek malapit sa Bahay Kalinga sa R Jacinto St. ng nabanggit na barangay.

Nabatid na nasa tabi ng creek ang biktima kasama ang isang kaibigan sa kasagsagan ng baha. Nang dumaan ang truck, inanod ito dahil sa malaking alon. Tinangka namang saklolohan ng kanyang kaibigan ang biktima subalit mabilis na itong inanod ng ragasa ng tubig. Bandang alas-3:41 ng hapon na nang makuha ang bangkay ng biktima sa creek na malapit naman sa Vente Kalye Tapsilog, Raminel Subdivision, T. Santiago St., Brgy. Veinte Reales, Valenzuela City. Idineklara itong dead-on-arrival sa ospital.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with