Na-bully ang anak
Dear Dr. Love,
May anak akong babae na dapat ay second year college na sa kursong Psychology, pero huminto siya sa pag-aaral. Ang dahilan ay na-bully raw siya sa kanilang school.
Simula noon ay ayaw na niyang pumasok. Nalulungkot ako nang may pag-aalala dahil palagi na lang siyang nagkukulong sa kwarto.
Ang malala, may pagkakataon na minsan na niyang pinagtangkaan kitilin ang sarili niyang buhay.
Talagang windang ako, Dr. Love. Pinadoktor ko na siya at medyo kumalma, pero bilang ina ay napapraning din ako sa pinagdaraanan niya.
Ang nakakahiligan niya ngayon ay ang paglalaro ng online games. Kung tutuusin, kumpara sa mga pinagtutuunan niya ng pansin noon ay masasabi ko na ok na rin kung paglalaron online ang pinagkakaabalahan niya. Doon siya nakakahanap ng bagong kaibigan.
Pero sa totoo lang, hindi pa rin panatag ang kalooban ko ilang ina. Dahil hindi maipagkakaila na naroon pa rin ang takot niyang lumabas ng bahay.
Ang kalagayang ito ng aking anak ang naging malakas na pwersa para magdesisyon akong mag-resign sa trabaho.
Hindi rin naman ako mapanatag dahil sa pakinawari ko ay higit kong dapat na pagtuunan ng pansin ang aking anak, nang sa gayon ay sure akong okey talaga siya.
Hindi ko alam kung hanggang kailan magi-ging maayos ang kalagayan niya. Sinasarili ko na lang ang matinding kalungkutan. Madalas, namamalayaan ko na lang napapaluha na ako sa kakaisip sa aking anak. Naaawa ako ng sobra sa kanya.
Akala ko noon, mga bata lang sa high school ang nabu-bully, pero pati pala college students ay dumaranas din nito.
Solo parent lang ako at umaasa sa tulong ng mga kapatid ko. Ang dasal ko ay gumaling na sana siya sa depresyon.
Mommy Tess
Dear Mommy Tess,
Walang tiyak na sagot kung kailan tuluyang gagaling ang anak mo sa depresyon. Pero ang pinakamahalaga ay alam niyang nandiyan ka sa tabi niya, handang makinig at umunawa.
Ang suporta ng pamilya ay malaking bagay sa kanyang pagbangon.
Makatutulong kung i-report mo rin sa unibersidad ang nangyaring bullying upang maging aware sila at makagawa ng hakbang para hindi na maulit sa ibang estudyante.
Ipagpatuloy mo ang pagpapakonsulta sa doktor para mas matutukan ang kondisyon ng anak mo.
Huwag mo ring kalimutan ang sarili mong kalusugan at lakas. Ang pagiging matatag mo ang magsisilbing sandigan ng iyong anak.
Tandaan mo na ang depresyon ay proseso ng pagga-ling — may mga araw na mabigat, may mga araw na magaan.
Ang mahalaga ay hindi siya nag-iisa sa laban na ito.
Dr. Love
- Latest
















