^

Dr. Love

Kontra lahat sa nobyo

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Bing, 32 years old at may boyfriend na 35 years old. Nagbabalak na po kaming pakasal sa susunod na taon.

Ang problema ko ay walang boto sa kanya mula sa pamilya ko at mga kaibigan. Maganda ang trabaho ko dahil regular akong empleyado.

Samantalang ang nobyo ko ay isang construction worker. Minsan may trabaho, minsan wala.

Aminado ako na may pagka-bitter at insecure ang nobyo ko dahil sa sitwasyon namin.

Mahal ko naman siya, pero kasi feeling ko ay maiiwan na ako sa biyahe at gusto ko na ring magkaanak.

Ano po ang gagawin ko?

Bing

 

Dear Bing,

Hindi mo masisisi ang pamilya at kaibigan mo dahil mayroon silang nararamdaman at nakikitang negatibo sa boyfriend mo na hindi lantad sa pa-ningin mo dahil nga nananaig ang commitment mo sa kanya bilang karelasyon.

Sa reyalidad ng buhay, hindi sapat na dahilan na gusto mo nang mag-asawa dahil may edad ka na at gusto mo nang magkaanak. Dahil kaila-ngan ng kahandaan sa malaking responsibilidad ng pagpapamilya. Maging bukas sana ang iyong pang-unawa at kausapin mo ang iyong pamilya lalo na ang iyong ina, para mapayuhan ka ng dapat mong malaman.

Tiyak na ayaw lang nilang mapunta ka sa lalaking hindi mo deserve.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with