Walang future sa ‘afam’
Dear Dr. Love,
Limang taon na akong biyuda. Dahil sa- dyang malungkot ang mag-isa, naisip ko na humanap ng mapaglilibangan. Sinubukan ko ang dating app. Doon may nakilala akong “afam.” Nakaramdam ko ng something exciting, lalo na sa mga unang yugto ng aming pagcha-chat.
Mabilis na lumipas ang mga taon, sino ang mag-aakala na kahit hindi madali ang situwasyon namin, dahil unang-unang ibang lahi siya at may ibang wika, bukod doon, malayo rin ang pagkakaiba ng timezone niya sa oras ng Pinas...pero biruin mo, anim na taon na kaming magka-chat ngayon.
Kahit virtual lang ang pag-uusap namin, kahit paano masasabi na nakikilala ko na siya, at sa palagy ko ganon din siya sa akin. Dahil sinasabi niya na masyado raw akong selosa. Hindi ko naman ikinakaila ‘yun, Dr. Love. Isipin mo na lang, tuwing umaga lang kami nagkakausap, may hindi iilang araw pa na wala siya. Kaya masisi ba niya ako?
Kung iisipin, sa panahon na ngayon, masasabi ko na hindi na ordinaryon ang maraming taon ng komunikasyon namin.
Tinatanong ko siya kung may plano ba siyang makita ako ng personal. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan ang sagot niya, ang ba niya, hindi raw niya makita na may future kaming dalawa. Medyon hindi ‘yun maganda sa pandinig ko, at masakit para sa puso ko. Pero ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan ang aking sarili. Dahil gusto ko pa rin siya. Pambihira!
Nagagalit na ang best friend ko sa akin. Dahil para sa kanya, isang malinaw na pagsasayang lang ng araw, oras, kuryente at connection ang pakikipag-chat ko sa afam.
Hindi masaya ang feedback niyang ‘yun, pero sa tingin mo ba tama siya, Dr. Love? Mencie
Dear Mencie,
Talagang magagalit sa iyo ang best friend mo, dahil puro red flag yang ka-chat mo. ‘Yung sinabi ng afam na hindi niya makita ang future ninyong dalawa, katumbas ‘yun ng pagsasabing, walang anumang mahalaga sa pagitan ninyo. Kaya para ano pa ang pakikipag-chat mo sa taong hindi ka naman naa-appreciate? Kasi kung totoo ang intensyon niya sa iyo, hindi lang kayo hanggang chat, magkikita kayo. Bakit hindi ka maghanap ng ibang ka-chat na magbibigay sa iyo ng relasyon na may future. ‘Yung handa kang pakasalan balang araw.
Dr. Love
- Latest
















