Duda na may ‘babae’ si mister
Dear Dr. Love,
Gipit kami sa pera kaya napilitan akong maghanap ng trabaho para makatulong sa aking mister. Sinubukan kong magpaalam sa kanya na kung pwede akong mag-stay in sa isang bakery shop. Bagaman, ikinatuwa ko ang pagpayag niya, mabilis din akong napaisip dahil sa agad niyang pagsang-ayon ay hindi sumagi sa isip niya ang tungkol dalawa naming mga anak. Madalas din siyang ginagabi ng uwi.
Hindi ako panatag Dr. Love. Ang totoo ay nahihiwagaan ako sa mga desisyon at mga ikinkilos ng aking asawa.
Sa ngayon ay hindi ko mawari, pero napa-kalas ng kabog ng dibdib ko na may umaagaw sa atensiyon ng aking mister.
Mukhang may itinatago siyang kalokohan. Ang kutob ko ay may kinahuhumalingang ibang babae ang asawa ko.
Kaila
Dear Kaila,
Sa ganyang aspeto, bihira magkamali ang mga misis. Madalas talaga na tama ang women’s instinct. Pero sikapin mong kumalma at maghanap ng pruweba.
Bukod sa naoobserbahan mong mga kakaibang mga desisyon at kilos ng mister, subukan mong i-check ang kanyang social media account, o kaya’y silipin ang kanyang cellphone kung may mga messages na nagpapahiwatig ng kakaibang ugnayan niya sa ibang babae.
Pero kung magaling dumiskarte ang asawa mo at binubura ang mga messenges s, maka-kabuti na kausapin mo siya nang masinsinan at sabihin ang mga naoobserbahan mo sa kanya. Gawin mo yan para sa iyong kapanatagan. Dahil pwede rin naman na may ibang bagay na bumabagabag sa iyong mister na hindi niya masabi sa’yo.
Dr. Love
- Latest





















