Dear Dr. Love,
Ayaw akong tantanan ng tsismosang kapitbahay namin. Biruin mo sa umaga pa lang pagdaan ko sa tapat nila, kung anu-ano nang tinatanong tungkol sa nanay ko na single mother.
Ni walang hinagap nang pag-aalinlangana sa pagtatanong niya kung may boyfriend na ba si nanay at iba pa.
Wala siyang magawa sa maghapon kundi ungkatin ang buhay ng iba.
Sabi ng nanay ko, huwag ko na lang daw pansinin. At tawagin ako ay ngitian ko na lang daw lalo na kung nagsisimula na namang magtanong nang kung anu-ano.
Bakit ba may taong walang magawa sa buhay, Dr. Love?
Madi
Dear Madi,
Tama ang nanay mo na huwag mo pag-aksayahan ng panahon ang ibang tao na walang maitutulong na maganda sa iyo.
Hayaan mo sila sa kanilang masamang bisyo. Huwag kang magpaapekto sa kanilang pagtsitsismis dahil inggit lang sila sa maayos na buhay ninyong mag-ina.
Ibaling mo ang iyong atensiyon sa pag-aaral at huwag tularan ang kanilang maling ginagawa.
Dr. Love