^

Dr. Love

Pagod na puso

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sobrang sure ako na mahal ko pa rin siya.  Dahil hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko siya nakakausap o nakikita. ‘Yung koneksiyon palang ay talaga nakakapagpasaya na sa akin.

Pero ang problema, hindi ko na rin ma-dedma ang nararanasan kong pagkapagod sa relasyon namin.

Sa maraming pagkakataon kasi, laging ako ang naghihintay ng assurance kung may future ba ang relasyon namin o may future ba talaga ako sa kanya.

Para kasing ako na lang ang lagi uma-effort sa pagitan namin. Halimbawa sa pagkakaroon ng conversation sa araw-araw. Parang ako na lang ang humahabol sa atensiyon niya, para maramdaman kong mahalaga pa ba ako sa kanya.

Sa totoo lang, kung mauuwi ang lahat sa pagkakaroon ng hangganan, hindi talaga ako handa. Ni hindi ko nga mai-welcome ang ganyang idea sa isip ko.

Atng hinahangad ko lang naman ipaglaban ang relasyon namin. Ang maraming taon na kapiling ang bawat isa, pero salat sa magagandang alalaala na mapanghahawakan sana sa sandaling pinanghihinaan na ng loob... na sa puntong ito, kasama sa isinisigaw ng kalooban ko, piliin ko rin ang sarili ko.

Ano po ba ang dapat kong gawin o unahin?

Pagod na puso

Dear Pagod na puso,

Ramdam ko ang pagkapagod ng puso mo. Parang kanta na may napakalungkot na himig...gayunman gusto ko lang ipaalala sa’yo na ang pag-ibig ay hindi dapat ipinagmama-kaawa sa iyong partner.

Kung paulit-ulit mong kailangang habulin ang kapanatagan at kapayapaan ng isipan, bagay na sinabimong mailap sa pagitan ninyo ng taong mahal mo, baka hindi na pagmamahal ang hinahabol mo kundi takot na maiwan ka o ipagpalit ka niya sa iba.

Relax ka lang muna. Pwede rin kasi sa sobrang frustration ay misleading na ang pananaw mo para sa relasyon ninyo. ‘Yung tipong hindi pa talaga malinaw, pero may konklusiyon ka na.

Gayunman, kung sa kabila ng pag-reachout para linawin ang mga bagay-bagay ay unrespinsive pa rin siya, baka nga dapat mo nang piliin na mahalin ang iyong sarili nang hindi isinasara ang puso mo. Kapag ang isang tao ay tunay na nagmamahal, hindi mo kailangang ipaalala na alalahanin ka.

Hindi mo rin kaila-
ngan mamalimos ng atensyon o kahit konting oras para patunayan niyang mahal ka niya.

Ang tunay na pag-ibig ay nagbibigay ng kapanatagan at hindi ng walang katapusang pagdududa kung saan duadarating pa sa punto na nanghihingi ng limos na mahalin ka.

Dr. Love

FUTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with