^

Dr. Love

Macho pero isang ‘darna’

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang pulis ang tatay ko. Dahil dyan kaya pinipilit ako ng aking mga magulang at ng mga kaanak namin na kumuha ng kursong Criminology.

Sa totoo lang, gustuhin ko man sumunod sa yapak ng tatay ko at sundin ang kahilingan nila, hindi ko mapilit ang sarili ko.

May sikretong malupit kasi ako, Dr. Love. Isa akong “darna” na nagtatago sa dilim. Alam mo na, ang gender preference ko ay salungat sa inaasahan ng aking pamilya.

‘Pag nasa bahay namin ay macho ako, pero pagdating sa harap ng mga friends ko, ako ay isang reyna. Matagal ko nang itinatago ang bahaging ito ng aking pagkatao. At talagang hindi madali, hirap na rin ako sa pagpapanggap ng tunay kong pagkatao. Ginagawa ko ‘to dahil ayaw ko ring mapahiya ang tatay kong pulis.

Mahal ko po aking pamilya, pero gusto ko rin bigyang importansiya ang aking sarili. Ano po ang dapat kong gawin? Habang buhay na lang ba akong closet queen?

Eunice

Dear Eunice,

Hindi nga madali ang situwasyon mo. Dahil kahit kailan ay mahirap ang magpanggap. Pero gusto ko lang ipaalala sa sa’yo na hindi habang buhay ay maitatago mo ang iyong lihim. Gaya ng palasak na kasabihan, “walang lihim na hindi nabubunyag.” Iba na ang panahon ngayon, at kahit pa sabihing pulis ang tatay mo, alam niya ang batas na lahat ay dapat itinuturing na pantay-pantay kahit ano pa ang gender nito.

Subukan mong unti-unti na magladlad para hindi na sila masyadong mabigla.

Pero patunayan mo pa rin sa kanila, na kahit anong kurso na ang iyong kukunin ay tiyak na maipagmamalaki ka pa rin ng iyong magulang, lalo na ng tatay mong pulis.

Dr. Love

EUNICE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with