^

Dr. Love

Karibal ang best friend

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magulo ang isip at kalooban ko ngayon, Dr. Love. Dahil hindi ko akalain na ang type kong bebot ay gusto rin pala ng best friend ko. Pero torpe ang kaibigan ko, hindi niya kayang mag-first move. Bentahe na sana, kaya lang ang masaklap, gusto ng matalik kong kaibigan na ako ang gumawa ng love letter para sa babaeng gusto niyang ligawan, na crush ko rin.

Wala naman akong lakas ng loob para lantarang tumanggi sa kaibigan ko. Ang magagawa ko lang ay irespeto ang feelings niya. Ang challenge ay ang paggawa ko ng love letter… na hindi ko mapigilan ang sarili kong damdamin dahil mahal ko na ang girl.  Ang nakakalungkot pa,  na-in love si girl sa best friend ko…kahit ako ang sumasagot sa mga palitan nila ng love letters. Paano ko ba matatanggihan ang kaibigan ko na huwag na lang ako ang magsulat ng love letter niya? Paano ang tamang pagharap sa emosyon na gusto ko nang sabihin, pero mas lumalamang na huwag na lang.

Ayaw ko nang mamagitan sa kanila, dahil mas lalo rin akong nai-inl ove sa girl, gamit ang name ng best friend ko. Ano ba gagawin ko, Dr. Love? Aabangan ko po ang payo ninyo.

Baste

 

Dear Baste,

Hindi naman na bago sa mga matalik na magkaibigan ang nagiging magkaribal sa babaeng nagugustuhan.

Siguro kaya nga kayo naging best friend dahil sa maraming bagay ay pareho kayo ng preferences.

Sang-ayon ako na desisyon mong huwag na mamagitan sa pagpapalitan ng message ng best friend mo at babaeng type nyo. Magdahilan ka na lang. Mula rito ay ituon mo ang atensiyon sa ibang bagay hanggang sa tuluyan ka nang maka-move on.

Bata ka pa at ma-
rami pang makikilalang babae na ikaw lang ang pagtutuunan. Pakawalan mo na ang sarili mo sa conflict na ‘yan at maging masaya para sa kanila sakaling maging “sila na”.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with