^

Dr. Love

Bantay-sarado ng ama

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Mica. Isa po akong dalaga na may boyfriend na. Pero parang naka-maximum security pa rin sa bahay. Wala kasing patlang na sa bawat lakad namin ng boyfriend ko ay napakahirap kumuha ng permit kaysa mag-apply ng passport.

Hindi naman ako pasaway na anak, ganon din naman ang boyfriend ko. Pareho ka-
ming hindi gala, kaya talagang minsanan lang kung mag-schedule kami na lumabas para mag-date.

Simple lang namin ang gusto namin sa a-
ming quality time na magkasama, mag-milktea, makapagkwentuhan, manood ng sine na magkasama o kahit simple makapaglakad-lakad lang.

Kaso ang tatay ko, daig pa ang presidential security, mistulang may built-in alarm system. Ang lungkot lang dahil wala naman kaming balak na lumampas sa bounderies at parehong may respeto sa aming pamilya, pero hindi namin ma-enjoy ang aming relasyon.

Minsan naiisip ko tuloy kung may boyfriend ba ako o hanggang online relationship lang dahil puro chat at “ingat ka” ang bonding namin.

Mahal ko po ang tatay ko, kaya nga kahit naghihinanakit ang kalooban ko ay patuloy akong sumusunod sa kanya. Pero gusto ko na maintindihan niya ang end ko. Paano ko po magagawa na mapaintindi sa kanya na hindi porket may boyfriend ako ay mawawala na ako sa tamang landas?

Aabangan ko po ang payo ninyo.

Mica

 

Dear Mica,

Dama ko ang hinanakit ng kalooban mo. Pero bilang isa na ring magulang, relate ako sa tatay mo.

Alam mo ba na ang pinakamahalagang yaman ng isang magulang ay ang kanyang anak?

Kaya relax ka lang. Ang tatay mo ay hindi kontrabida—protective lang na parang naka-premium subs-cription sa pag-aalala.

Ang sikreto diyan, huwag puro “Pa, alis ako.” Dapat may kasamang pagpapakita ng responsibility at matinong boyfriend package. Kapag nakita niyang hindi tambay, loko-loko, o walking red flag ang boyfriend mo, unti-unti ring luluwag ang hawak niya.

At sa boyfriend mo, kung seryoso siya, kakayanin niyang maghintay. Ang totoong lalaki hindi lang marunong manligaw—marunong ding magpa-good shot sa future biyenan.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with