^

Dr. Love

Ayaw magkaanak

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tatlo kaming magkakapatid na pare-parehong magaganda na ang estado sa buhay. Gaya ng sabi ng maraming magulang, hindi na sila bumabata. Kaya naman nagiging paulit-ulit na sa aming mama na magpakasal na kami para raw magkaroon na sila ng apo.

Ito nga ang problema. ‘Yung kuya ko ayaw pang magpakasal dahil nag-e-enjoy pa sa kanyang pagkabinata. Kumpara noon, ngayon kasi ay malaya ang kuya na gawin ang gusto niya dahil may means na siya. Isang bagay na nakakapagbigay ng malaking pleasure sa kanya, kaya naman wala sa isip niya ang pagpapakasal.

Ako bilang pangalawang panganay, tala-gang hindi ko pinangarap ang magkaanak. Sa ganang akin, ok sa alright na ako sa estado ng buhay ko. Kaya naman sinabi at niliwanag ko sa boyfriend ko ang tungkol dito, para hindi na siya magtangkang maghanap.

‘Yung bunso naman namin, ni ayaw magpaligaw. Enjoy lang siya sa mga friends niya. Kitang kita naman ito sa maaliwalas na mukha niya at masiglang katawan, na para bang walang puwang ang anumang alalahanin.

Dr. Love, literal na pinagtutulakan na kami ng mama namin na magkaanak. Biruin mo, kahit hindi raw kasal, basta bigyan sila ng apo. Ganon kadesperado ang magulang namin.

Sa totoo lang, ang nasa likod ng desisyon kong hindi magkaanak ay ang pag-ayaw kong maranasan ng mga magiging anak ko ang matinding hirap na pinagdaanan ng pamilya namin. Kapag ganon ba, weird…weird ba kami?

Russel

Dear Russel,

Sa palagay ko, hindi naman sa matatawag na weird ang mga kabataan o young professionals na mas preferred ang hindi mag-kaanak.

Dahil sa malawakang obserbasyon, marami rin ang may ganyang pananaw. Marahil dala ng hirap ng buhay. Gaya nang pinagdaanan ng inyong pamilya.

Maaaring sa matinding discomfort at iritasyon na tiniis ninyo sa mahabang panahon ay nag-iwan ‘yun ng matatawag na trauma sa inyong magkakapatid, kung kaya ni sa hinagap ay hindi dumadapo sa isip ninyo ang mag-asawa at magkaanak. Iba na talaga ang generation ngayon.

Marami rin talaga ang ayaw sa commitment na magpakasal. Kung nasa ganyang estado ang kalooban mo, maging ng iyong mga kapatid, bakit hindi mo ipaliwanag sa mama mo ang na-raramdam mo, para maintindihan niya. Kung makakapag-open ka sa kanya, maaaring may paliwanag siya sa sinasabi mong pinagdaanan ng inyong pamilya. Maaaring makatulong ito para lumawak ang iyong isipan at mawala ang pangamba mo sa pagkakaroon ng anak.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with