^

Dr. Love

Habang may buhay, may pag-asa

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Doris. Isa akong simpleng maybahay na punung-puno ng takot at pag-aalala. Ang asawa ko po ay isang masipag na cons-truction worker. Kahit hirap sa buhay, pinilit naming makapagpatayo ng maliit na bahay para sa aming pamilya. Pangarap naming magkaroon ng sariling tahanan kahit simple lang.

Pero habang ginagawa po ang bahay namin, isang trahedya ang nangyari. Nahulog po ang asawa ko sa mataas na bahagi ng ginagawang bubong.

Dinala siya sa ospital at sinabi ng doktor na malubha ang naging pinsala sa kanyang paa. Hanggang ngayon po ay hirap siyang maglakad at malaki ang posibilidad na hindi na siya makapagtrabaho tulad ng dati.

Mas masakit pa po dahil nakikita kong dinadala ng asawa ko ang lungkot at guilt. Lagi niyang sinasabi, “Pasensya ka na, hindi ko na kayo kayang buhayin.”

Pero para sa akin, hindi naman doon nasusukat ang halaga niya bilang asawa at ama. Nasasaktan akong makita siyang nawawalan ng pag-asa.

Doris

Dear Doris,

Mabigat ang pinagdaraanan ninyo ngayon at natural lang na matakot sa kinabukasan. Pero tandaan mo ito, ang isang tao ay hindi nawawalan ng halaga dahil lamang sa kapansanan o kawalan ng trabaho.

Ang asawa mo ay hindi lang provider — siya ay haligi ng pagmamahal, sakripisyo, at tahanan ng inyong pamilya.

Sa panahon nga-yon, higit niyang kailangang maramdaman na hindi siya pabigat kundi bahagi pa rin ng laban ninyo.  Ang mga salitang “magkasama tayo” ay malaking gamot sa pusong sugatan.

Hindi madaling bumangon, pero mara-ming pamilya ang nakatawid sa unos dahil hindi sila bumitiw sa isa’t isa. Habang may buhay, may pag-asa.

Maaaring nagbago ang paraan ng paghahanapbuhay ng asawa mo, pero hindi ibig sabihin tapos na ang kakayahan niyang mangarap at lumaban.

Unti-unti ka-
yong magplano. Hu-mingi ng tulong kung kinakailangan sa pamilya, kaibigan, o ahensya.  At higit sa lahat, huwag ninyong hayaang lamunin kayo ng hiya o panghihina ng loob.

Minsan, ang bahay na tunay na matibay ay hindi gawa sa semento kundi sa pusong marunong magdamayan sa panahon ng pagkawasak.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with