^

Dr. Love

Obsess ang girlfriend

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mahal na mahal ko ang girlfriend ko, pero bakit kahit anong gawin ko ay puro nega at tamang hinala ang iniisip niya. To the point na masyado na siyang obsessed sa akin. Bawat galaw ko at kahit saan ako magpunta ay gusto niyang ipaalam ko sa kanya. Hindi naman ako mahilig mag-text at busy rin ako sa work ko.

Nasasakal na ako sa kanya. Bakit ba ganyan ang girlfriend ko, masyadong possessive na tipong ang buhay na lang niya ay nakapokus sa akin. Madalas napipikon na ako, kahit loyal na boyfriend naman ako.

Doni

Dear Doni,

Mahirap nga ang pakikipagrelasyon sa ganyang klase ng girlfriend dahil parang bawat minuto ay kailangan mong mag-report. Pero wala namang gusot na hindi madadala sa mabuting usapan. Maglaan ka ng time para makausap kayo ng masinsinan. Sa maraming obserbasyon, ang ganyang klase ng babae ay hindi naman masama. Maaaring nagkataon na ang kinalakihan niyang pamilya ay hindi siya nagabayan o  nai-deal ng tama ang mga emosyon niya habang lumaki o kaya naman ang sitwasyon niya sa kanilang pamilya ay puno ng insecurities. Bilang boyfriend, ikaw ang makakatulong sa kanya na ma-overcome ang negatibong emosyon, basta ang bawat pag-correct sa kanya ay samahan mo ng pagmamahal at malawak na pag-unawa. Sikapin mo rin na dalasan ang mga salitang makapagbibigay ng seguridad sa kanya sa inyong relasyon. Alam kong magagawa mo ‘yan kung tunay ang feelings mo para sa kanya. Pero kung sa kabila ng lahat ay wa effect pa rin, nasa iyo pa rin ang huling desisyon.

Dr. Love

DONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with