^

Dr. Love

Iniwan ng girlfriend

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Limang taon kaming magdyowa ng girlfriend ko. Pareho naman kaming college graduate at may maayos na trabaho. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagyaya siya na magpakasal na kami.

Tinapat ko siya na hindi pa ako handa. Gusto ko pa kasing magnegosyo nang maging able ako na maibigay sa kanya at sa bubuuin naming pamilya ang komportableng buhay. In short, para ‘yun sa future namin. Pero ang hindi ko ma-gets kung bakit minasama niya ang tungkol dito.

Inakala ko na ordinaryong hindi pagkakaunawaan lang ‘yun, Dr. Love, na kapag humupa gaya nang mga nagdaan argumento ay magiging ok din. Pero tuluyan na siyang nakipag-break. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Hindi ko mai-describe nang husto ang pakiramdam ko. Dr. Love, kaya nga ako nagsisikap para sa amin.

Dulot nang pangyayaring ‘yun, nagkakaroon ako ngayon ng depression. Hanggang ngayon ay hindi ko mahinagap na sa kabila nang maraming taon sa piling ng bawat isa, wala pala kaming forever. Pagpayuhan po ninyo ako, tulungan po ninyo ako kung paano ko malalampasan ito.

Marco

 

Dear Marco,

Dama ko ang bigat ng pinagdaraanan mo. Isang bagay ang gusto kong maisip mo—wala talagang katiyakan ang bukas. Kahit pa gaano katagal na ang relasyon, hindi pa rin sure kung sila na nga habang buhay. Normal ang ma-depress. Pero huwag kang magbabad sa kanyang kalagayan. Bata ka pa at napakarami pang bagay ang naghihintay sa’yo, kasama na roon ang babae na hindi ka bibitawan, higit sa lahat handa kang samahan hanggang sa magkaroon ng katuparan ang mga pangarap mo.

Ang payo ko, ituloy mo ang pagnenegosyo at manatili kang masikap, this time para sa taong nakalaan para sa’yo, ang bagong pag-ibig na darating sa buhay mo.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with