^

Dr. Love

Parehong breadwinner

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang akong Breadwinner, 29 years old mula sa Maynila. Sumulat po ako dahil ilang buwan na lang ay ikakasal na kami ng aking girlfriend. Masaya po kami at sabik nang bumuo ng sariling pamilya, pero aminado ako na may halong takot at pag-aalala ang puso ko.

Pareho po kasi kaming panganay at breadwinner. Minsan po habang pinag-uusapan namin ang budget para sa kasal at sa magiging buhay mag-asawa namin, napapaisip kami kung kakayanin ba namin. Paano paghahatian ang sahod? Paano kung parehong may hihingi ng tulong mula sa pamilya namin? Natatakot po kami na baka sa sobrang pag-intindi namin sa pinanggalingan naming pamilya ay makalimutan naman naming buuin ang sarili naming tahanan.

May mga pagkakataon pong nauuwi sa tampuhan ang usapan namin tungkol sa pera. Paano namin mababalanse ang pagtulong sa pamilya at ang pagbuo ng sarili naming kinabukasan?

Breadwinner

Dear Breadwinner,

Hindi kayo nag-iisa sa ganitong sitwasyon. Maraming magkasintahan at mag-asawa ngayon ang parehong breadwinner. Mahirap, oo. Pero hindi imposible kung may malinaw kayong usapan, pagtutulungan, at tamang priorities.

Una sa lahat, tandaan ninyo na kapag kayo ay ikinasal, hindi ibig sabihin na tatalikuran ninyo ang pamilya ninyo. Pero kailangan ding maintindihan ng magkabilang panig na may sarili na kayong tahanang binubuo. Hindi kasalanan ang magtakda ng limitasyon sa pagtulong kung ito naman ay para mapanatiling matatag ang inyong pagsasama. Mahalagang matutunan ninyo ang tatlong bagay: pag-uusap, pagpaplano, at pagkakaisa.  Hindi kailangang akuin ninyo lahat ng problema ng pamilya ninyo habang-buhay. Ang tunay na pagmamahal ay hindi lang puro pagbibigay; minsan kailangan ding magturo ng pagtayo sa sariling paa. Higit sa lahat, huwag hayaang maging dahilan ang pera para masira ang relasyon.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with