^

Dr. Love

Di mapatawad ang sarili

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May 15 taon na kaming nagsasama ng aking asawa. May isa kaming anak. Nagsasama kami sa iisang bubong ng mister ko pero magkahiwalay kami ng kuwarto.

One year na ngayon mula nang manlamig ang aking asawa. Nito lang makatapos ng wedding anniversary namin ay nagtapat siya sa akin na nakagawa raw siya ng malaking pagkakasala at hindi niya mapatawad ang kanyang sarili.

Nagkaroon daw siya ng relasyon sa isang bakla. Nandidiri raw siya sa kanyang sarili kaya ayaw na niyang tumabi sa akin.

Umiyak siya nang magtapat sa akin. Minsan lang daw nangyari sa kanya iyon pero ang epekto sa kanya ay parang panghabambuhay. Humingi siya ng tawad sa akin.

Hindi ko alam kung magagalit ako o patatawarin ko siya. Naguguluhan ako ngayon.

Ano ang gagawin ko? 

Winter

Dear Winter,

Dapat hangaan ang taong marunong tumanggap ng pagkakamali kaysa nagtatago ng kasalanan.

Patawarin mo siya at bigyan ng isa pang pagkakataon.

Ang lahat ng tao ay nagkakasala at sabi nga, kung marunong magpatawad ang Diyos, dapat nagpapatawad din tayong mga nilalang lamang niya.

Give him another chance at baka masira ang ulo niya sa kaiisip ng kanyang problema.

Payuhan mo rin siyang patawarin ang sarili para maalis na ang nakadagang pasanin sa kanyang dibdib.

DR. LOVE

WINTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with