^

Dr. Love

 ‘Human ATM’

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang po akong Aris, 28-anyos at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang graphic artist. Sumulat po ako dahil tila unti-unti nang nananamlay ang nararamdaman ko para sa girlfriend ko na si Liza.

Magdadalawang taon na kami, at noong una ay maayos naman ang lahat. Pero nitong mga huling buwan, napansin ko na parang naging unlimited ang listahan niya ng mga gusto. Dr. Love, halos linggu-linggo ay may nire-request siya—mula sa pinakabagong gadgets, branded na sapatos, hanggang sa mga mamahaling dinner na kailangang i-post sa social media.

Sa totoo lang, hindi naman ako madamot. Pero bilang isang hamak na empleyado, hindi na kinakaya ng sahod ko ang lifestyle na gusto niya. Kapag hindi ko napagbibigyan, nagtatampo siya o kaya ay ipaparamdam na wala akong silbi. Pakiramdam ko tuloy, hindi na pagmamahal ang habol niya sa akin kundi ang pakinabang sa pitaka ko.

Dahil dito, unti-unti nang natatabangan ang loob ko sa kanya. Gusto ko siyang mahalin pero pagod na akong maging ATM sa paningin niya. Ano po ba ang dapat kong gawin? Dapat ko na bang tapusin ang relasyon na ito, o may pag-asa pa siyang magbago?

Aris

Dear Aris,

Alam mo, Aris, ang relasyon ay hindi parang unlimited buffet na hangga’t kaya mong lumamon ay sige lang; dapat busog din sa respeto ng isa’t isa. Pa-
nahon na para sabihin mo ang totoo tungkol sa iyong pananalapi. Kung tunay ka niyang mahal, maiintindihan niya na ang budget ay may hangganan.

Suriin mo rin kung pareho pa ba kayo ng direksyong tinatahak. Mahirap bumuo ng kinabukasan kung ikaw ay nag-iipon para sa pundasyon, habang sbalaiktaran naman siya. Ang relasyon ay isang partnership at hindi naghihilahanpababa. 

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with