^

Dr. Love

Nagyayaya nang pakasal ang bf

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Panganay ako sa apat na magkakapatid. Ilang beses nang nagyayang magpakasal ang boyfriend ko. Pero hindi ko magawa dahil pinag-aaral ko pa ang mga kapatid ko, since matanda na ang mga magulang namin.

Balak sana namin magpakasal na ngayon November. Pero bigla akong nagkaroon ng employer sa U.S. Paalis na ako ngayong April.

Pasalamat ako dahil mas matutulungan ko na ang pamilya ko.

Gusto ng boyfriend ko na ikasal muna kami bago ako umalis. Pero tumanggi ako dahil ayaw kong idagdag pa siya sa iisipin ko kapag nasa Amerika na ‘ko.

Plus mababago ang documents ko ‘di ba?

Pero nag-aalala ang boyfriend ko na baka ipagpalit ko raw siya sa “Afam”.

Naaawa naman ako sa kanya. Dahil apat na taon niya akong hinintay. Tapos ngayon mas malayo pa ako sa kanya pag-alis ko. Pero wala naman akong ibang hangad, kundi para lang sa pamilya ko.

Paano ko ba mapapakalma ang boyfriend ko?

Jess

Dear Jess,

Normal sa iyong boyfriend na mag-alala dahil baka nga makahanap ka ng foreigner. Tiyak na maraming tukso rin ang puwede mong maranasan.

Pero bigyan mo siya ng kasiguruhan na para rin sa future ninyong dalawa ang gagawin mo.

At ipangako mo sa kanya na hindi ka magbabago at maghahanap ng iba. Upang hindi siya mag-alala at matiyak mo sa kanya na mahal na mahal mo siya.

Naniniwala ako na laging bukas na komunikasyon ang magsasalba sa relasyon. Kaya pagsikapan ninyo na ito ay laging nasa konsid-erasyon ninyo.

Dr. Love

NOVEMBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with