Dahil ‘high blood’ ang presyo ng bilihin
Dear Dr. Love,
Tawagin n’yo na lamang po akong Bill. Sumusulat ako dahil tila sasabog na ang dibdib ko—hindi sa pag-ibig, kundi sa bigat ng gastusin sa araw-araw.
Nitong mga nakaraang linggo, halos himatayin ako tuwing dadaan sa gasolinahan. Dr. Love, ang taas na naman ng presyo ng gasolina! Ang asawa ko po ay isang grab driver at ang kinikita niya na dati ay sapat na para sa tatlong masarap na ulam sa isang araw, ngayon ay halos pambili na lang ng itlog at noodles dahil kalahati ng boundary niya ay napupunta lang sa krudo.
Minsan, nag-aaway na kaming mag-asawa. Hindi dahil wala kaming tiwala sa isa’t isa, kundi dahil sa stress kung paano pagkakasyahin ang natitirang barya. Kapag naglalambing siya na lumabas kami, ang naiisip ko agad ay “Imbes na i-gas natin ‘yan para mamasyal, ibili na lang natin ng isang kilong bigas.” Nawawala na ang tamis ng aming pagsasama dahil puro “computation” ang laman ng utak ko.
Paano ko po ba mapapanatiling “full tank” ang pagmamahalan namin sa gitna ng “empty” na pitaka? Paano ko maiiwasang maging masungit na asawa kung ang presyo ng bilihin ay parang laging may high blood?
Bill
Dear Bill,
Magkakampi, hindi magkalaban. Ang krisis sa gasolina at presyo ng bilihin ay panlabas na kaaway. Huwag itong hayaang pumasok sa loob ng bahay para pag-awayin kayong mag-asawa. Ang stress sa budget ay hindi dapat maging dahilan ng pagsusumbatan.
Unawain ang pagod ng asawa sa kalsada, habang kailangan din niyang unawain ang bigat ng iyong pagba-budget. Ang pagkilala sa hirap ng bawat isa ay nakakabawas ng tensyon.
Hindi kailangang gumastos o mag-drive para maging romantiko. Ang tunay na “full tank” ng relasyon ay nanggagaling sa suporta, pakikinig, at simpleng oras na magkasama sa bahay.
Ang krisis sa ekono-
miya ay may siklo, ngunit ang lamat sa pagsasama ay mahirap hilumin. Mas mahalaga ang inyong pagmamahalan kaysa sa anumang halaga ng petrolyo.
Mas matatag ang pamilyang nag-uusap kaysa sa pamilyang nagbibila-
ngan ng pagkukulang.
DR. LOVE
- Latest

















