^

Dr. Love

Hindi ‘maka-score’ sa gf

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Lian, 25 years old, sales supervisor. May girlfriend ako at mag-iisang taon na ang aming relasyon.

Ang problema ko ay masyado siyang mahinhin. Sa maraming pagkakataon na lumalabas kami para mag-date, hanggang pagkain lang sa labas ang nangyayari. Madalas pa nga ay group date ito.

Dr. Love, ni minsan ay hindi ko pa siya na-dala sa tinatawag na “biglang liko.” Sa pakiwari ko tuloy ay sobrang boring ng relasyon namin.

Naninibago talaga ako nang malala, dahil sa dami nang naging girlfriend at siya lang ang ganyan ang ugali.

Kapag napag-uusapan namin ang tungkol sa bagay na ‘yan, ang lagi niyang sinasabi sa akin,  “maaangkin mo lang ako kapag kasal na tayo.”

To be honest po, sa ngayon ay wala sa isip ko ang pagpapakasal. Never pa ‘yun naging part ng mga plano ko sa araw-araw ng buhay ko.

Naiisip ko na tuloy na makipag-break na sa kanya, tutal parang wala rin namang kabuluhan.

Sinasabi ko ito nang madalas, pero sa likod ng isip ko, nakakaramdam ako ng challenge sa kanya. Parang malaking hamon ‘yun sa pagkalalaki ko, Dr. Love.

Pagpayuhan n’yo po sana ako at sabihin ang inyong saloobin sa relasyong meron ako.

Lian

Dear Lian,

Marahil dahil sa napaka-modernong isip ng isang gaya mo na young professional, halos wala na sa konsiderasyon ninyo ang value ng virginity.

Pero alam mo kung tutuusin, mabuting babae ang girlfriend mo. Bakit? Hindi siya easy to get.

Kung siya ang mapapangasawa mo para kang nakapulot ng isang mamahaling hiyas.

Pero tila gusto mo lang siyang “matikman” gaya ng ibang naging girlfriend mo.

Kung ganyan din lang ang pakay mo sa kanya, mabuti pa ngang makipag-break ka na sa kanya. Alam mo kung, bakit? Huwag kang mao-offend, she don’t deserve a man like you.

Dr. Love

LIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with