Online pero hindi nagre-reply
Dear Dr. Love,
Sana ay matulungan ninyo ako sa pinagdaraanan ko ngayon. Problema ko po ang mister ko. Nitong mga nakaraang linggo, napapansin kong madalas siyang hindi agad nagre-reply sa mga messages ko.
Kahit simpleng “kumain ka na?” o “ingat ka,” wala po akong natatanggap na sagot hangga’t hindi pa gabi o minsan, kinabukasan pa.
Alam kong busy siya sa trabaho, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng selos at pagdududa. Lalo na kung online naman siya o nakikita kong active siya sa ibang bagay pero tila ako lang ang hindi niya napapansin. Iniisip ko tuloy kung may ginawa ba akong mali, o kung may iba na ba siyang mas gustong kausap kaysa sa akin.
Gusto ko siyang maintindihan…pero gusto ko rin naman na intindihin niya ako.
Sana po ay mabigyan ninyo ako ng payo bago pa man masira ang relasyon namin dahil lang sa hindi niya pagre-reply agad.
Misis Yun
Dear Misis Yun,
Unang-una, kalma. Hindi porke’t hindi nag-re-reply si mister ay may issue na.
Pero seryoso, may punto ka. Kapag ikaw ‘yung ‘seen zone’ queen, talagang may kurot sa puso. Kaya ganito gawin mo, kausapin mo si mister sa tono na hindi pang-imbestigador. Huwag ‘yung tipong, “sino kausap mo, ha?!”
Sabihin mo lang, “Love, nalulungkot ako pag ‘di ka nagre-reply. Hindi ako galit…pero baka maging galit soon kung hindi tayo maging maayos.” Soft reminder pero may halong threat na may kilig. At syempre, intindihin mo rin na may mga lalaking hindi mabilis mag-type.
Tandaan, hindi sa tagal ng reply nasusukat ang pagmamahal… pero sana naman huwag next week ang sagot sa message.
DR. LOVE
- Latest





















