Naging ‘magulang’
Dear Dr. Love,
Ako si Annabelle, isang ina na may mabigat na dinadala sa puso. May asawa’t anak na ang aming unica hija. Pareho naman silang may trabaho ng kanyang mister, at sa pagkakaalam ko ay maayos naman ang kinikita nila. Sa kasamaang-palad, dito pa rin sila nakatira sa amin.
Sa una, pumayag kami dahil gusto naming makabawi man lang sa mga taon na makapag-alaga kami sa aming apo. Pero habang tumatagal, napapansin ko na wala man lang kusa sa kanila na tumulong kahit sa simpleng bayarin sa bahay—kuryente, tubig, o kahit pambili man lang ng bigas. Lahat halos kami ng asawa ko ang sumasagot, kahit pareho na kaming senior at may iniindang karamdaman.
Masakit para sa akin na parang hindi nila naiisip ang bigat ng aming gastusin. Hindi naman kami madamot. Ang gusto lang namin ay maramdaman na may malasakit sila at marunong tumingin sa pinanggalingan.
Dr. Love, mali po ba na umasa kaming tutulong sila? Paano po ba namin ito sasabihin sa kanila nang hindi nauuwi sa tampuhan? Ayoko namang masira ang relasyon namin bilang pamil-ya, pero napapagod na rin po kami.
Annabelle
Dear Annabelle,
Hindi ka mali sa iyong nararamdaman. Natural lamang sa magulang ang tumulong sa anak, pero hindi ibig sabihin nito ay habang buhay na kayong sasalo sa lahat ng res-ponsibilidad nila—lalo na kung may sarili na silang pamilya at kakayahang kumita.
Una sa lahat, mag-usap muna kayong mag-asawa at magta-laga kung magkano ang kaya ninyong ipatulong at hanggang saan ang limitasyon ninyo. Pagkatapos, kausapin ninyo ang inyong anak.
Ipaunawa ninyo sa ang maging responsable at tumayo sa sarili nilang paa—hindi bilang pagtanggi sa kanila, kundi bilang paghahanda sa mas matatag na kinabukasan.
DR. LOVE
- Latest






















