^

Dr. Love

Mas concern sa manok

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong misis na may simpleng hinaing. Mahal ko ang mister ko—masipag, responsable, at hands-on pagdating sa kanyang munting negosyo. May alaga kasi siyang mga manok na panabong at halos doon umiikot ang atensyon niya araw-araw.

Ang problema po, nakukulitan na ako. Sa tuwing uuwi siya galing trabaho, ang una niyang tanong sa akin ay “Napakain mo na ba ang mga manok?” Paulit-ulit, parang sirang plaka.

Hindi ko naman kinaiinggitan ang mga alaga niya, pero minsan sumasagi sa isip ko—mas concern pa ba siya sa mga manok kaysa sa amin? Mali ba akong makaramdam ng ganito? Paano ko kaya sasabihin sa kanya nang hindi siya magtatampo o magagalit?

Senyang

Dear Senyang,

Hindi ka mali sa nararamdaman mo. Natural lamang sa isang asawa at ina ang maghangad ng atensyon at malasakit mula sa kabiyak. Ang paulit-ulit niyang pagtatanong tungkol sa manok ay maaaring tanda ng pagiging responsable niya sa kanyang interes o hanapbuhay—ngunit hindi nito dapat malimutan ang mas mahalagang “alaga,” ang kanyang pamilya.

Ang susi ay mahinahong pag-uusap. Piliin ang tamang ti-ming. Sabihin mo sa kanya, “Alam kong mahalaga sa’yo ang mga manok mo, at suportado kita. Pero minsan sana, mauna mo ring kamustahin ang mga anak natin at ako. Masarap kasing maramdaman na kami ang priority mo.”

Kapag ipinahayag mo ito nang may lam-bing at hindi panunumbat, mas mauunawaan ka niya.

Pag-ibig ay hindi lang sa pag-aalaga ng alaga, kundi sa pag-aaruga ng pamilya.

DR. LOVE

NEGOSYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with