^

Dr. Love

Paano magbabago ang isang beki?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

I’m 18 at college student. Mayroon akong classmate na foreigner at napakaguwapo niya. Very gentleman at napakabait sa aming lahat na classmates niya.

Ang ugali niyang ito ang nagustuhan ko kaya nahulog ang loob ko sa kanya.

Nalaman ko na may syota na siya. Kaya lang hindi babae, kundi lalaki. Isa pala siyang beki.

Sobra ang pagkabigla ko at pagkainis. Nanghihinayang ako sa kanya. Pero sa kabila nito ay lihim ko pa rin siyang itinatangi.

Posible kayang sa pamamagitan ko ay magbago siya?

Ano ang dapat kong gawin?

 

Ahlma

 

Dear Ahlma,

Kung ang pakahulugan mo sa pamamagitan mo, ay maging tulay ka ng pagbabago niya. Naniniwala ako na posible ‘yan.

Ang dapat mong gawin ay yayain siyang mag-church. Dahil doon makakakilala siya sa Diyos na tanging daan, katotohanan at buhay.

Marami na ang dating beki, ‘yung iba malala pa nga dahil nagparetoke na. Pero makaraan na makakilala sa tunay na Diyos ay namumuhay na nang malaya at normal, bilang lalaki.

Ang ganitong yugto ng pagbabago ay hindi magiging madali kung sa sariling lakas aasa.

Dahil grasya ng ating Panginoon na tayo ay makasunod sa kanyang kalooban.

Ang payo ko, manatili kayong magkaibigan.

Nang makilala mo pa siya nang lubos at kung may pagkakataon, ayain mo siyang mag-church.

Slowly but surely kung consistent na siyang makakapagsimba at talagang magi-
ging attentive siya sa pakikinig ng gospel, ikaw na mismo ang makakasaksi sa pambihirang pagpapabago sa kanyang kilos, pagsasalita at pag-gayak sa sarili.

Kaya kung seryoso ka sa hangarin mo, kasama mo ako sa panalangin na talagang magbago ang beki na type mo.

Dr. Love

BEKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with