Maging tunay na kaibigan
Dear Dr. Love,
May isang mabigat na sitwasyon akong dinadala ngayon at sana po ay matulungan ninyo ako.
May dalawa po akong matalik na kaibigan na matagal nang magkarelasyon. Pareho ko silang mahal at nirerespeto bilang kaibigan. Pero kamakailan, nalaman ko na ang lalaki ay nambabae at labis nitong nasaktan ang girlfriend. Dahil dito, nagkagulo ang kanilang relasyon at pareho silang lumalapit sa akin para humingi ng payo at magpakampi.
Ang problema ko po, hindi ko alam kung sino ang papanigan ko. Gusto kong maging patas, pero malinaw naman na ang lalaki ang may kasalanan. Natatakot akong masira ang pagkakaibigan ko kung papanig ako sa isa. Ayoko ring magmukhang kunsintidor sa mali, pero ayoko ring tuluyang talikuran ang kaibigan kong nagkamali.
Dr. Love, ano po ba ang tama kong gawin? Paano ako magiging mabuting kaibigan nang hindi isinasantabi ang katotohanan at tama?
Rem
Dear Rem,
Ang tunay na pagkakaibigan ay hindi lang pagsang-ayon, kundi ang tapang na magsabi ng totoo kahit masakit. Hindi mo kailangang pumili ng kakampihan, pero kailangan mong panigan ang tama.
Maaari mong iparamdam sa babae na nandiyan ka para makinig at umunawa sa kanyang sakit. Sa lalaki naman, ma-
ging tapat ka. Ipaalala mo na ang pag-ibig ay may kasamang pananagutan, at ang pagkakamali ay kailangang harapin, hindi takasan.
Kung masira man ang pagkakaibigan dahil pinili mo ang tama, tandaan mong ang konsensya mong payapa ay mas maha-
laga kaysa sa pansamantalang katahimikan.
Ang tunay na kaibigan ay hindi kunsintidor ng mali, kundi tagapagturo ng tama.
DR. LOVE
- Latest






















