^

Dr. Love

Nangaliwa ang misis

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sampung taon na kaming kasal ng misis ko. Pero wala kaming anak dahil ayaw niya ng bata sa bahay.

Maganda naman ang pagsasama namin bukod sa good provider ako na sunod lahat ng layaw ni kumander.

Pero nang magkita sila sa reunion ng ex-boyfriend niya, tila nagbago na ang lahat. Ayaw nang makipagsiping sa akin ni misis. Lagi raw masama ang pakiramdam niya.

Pero minsan ay umuwi ako ng maaga sa bahay at nadatnan ko sila ng ex- boyfriend niya sa kama namin.

Gumuho ang mundo ko at nagdilim ang paningin ko. Mabuti na lamang at mabilis silang nakatakas.

Hindi ako alam kung saan magsisimula ngayon. Tama ba na idemanda ang misis ko para makulong sila at makaganti man lang ako?

Cezar

Dear Cezar,

Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Karapatan mo rin ang magdemanda dahil sa pangangaliwa ng misis mo. Pero kung ang hangad mo ay ang makaganti lamang, magagastusan ka pa ng doble, para mapawalang bisa ang inyong kasal.

Mainam na ipa-blotter mo na lamang at ito ang gamitin mong ebidensiya sa pagpapa-annul ng inyong kasal.

Ito’y para tuluyan ka nang makalaya sa bangungot na iyong naranasan. Nawa’y makatagpo ka ng babaeng mamahalin ka ng tapat.

Dr. Love

BAHAY

MISIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with