^

Dr. Love

Lalaki sa lumang litrato

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay 24 anyos at may asawa. Nagbakasyon ako sa aking tiyo sa Ilocos, naisipan kong tingnan ang mga lumang photo album na nasa ilalim ng antigong baul.

Pawang mga sinauna ang bahay at mga kagamitan ng tiyo ko na itinayo noon pang 1897.

Sa kakatingin ko sa mga picture, napatitig ako sa kupas nang litrato. Sabi ng tiyo ko, best friend daw siya ng lolo ng kanyang ama na parehong bahagi ng rebolusyon.

Pogi po siya. Sa maniwala po kayo o hindi, mula nang matitigan ko ang picture na ‘yun, lagi kong napapanaginipan ang lalaki sa litrato.

Ayaw kong sabihin ito sa asawa ko dahil seloso siya kahit sa litrato lang ‘yun at malamang na dedbol na ang lalaking nasa picture.

Hanggang ngayon, napapanaginipan ko pa rin ang lalaki sa picture.

Pagpayuhan po ninyo ako kung ano ang gagawin ko.

Barbie

Dear Barbie,

Kung magagawa mong tantanan ang kakaisip sa lalaking nasa litrato at ibaling ang iyong isip sa iba, natitiyak ko na hindi mo na mapapana-ginipan ang lalaking matagal nang patay.

Gawin mo ‘yan sa lalong madaling panahon, para hindi ka nagkakasala sa iyong asawa dahil sa pagkakaroon ng espesyal na pagtatangi sa ibang lalaki, kahit na patay na ito. At yamang alam mo na magdudulot ito ng selos sa kanya, dapat lang na gawan mo ng paraan para sa ikapapanatag ng kalooban ng iyong mister.

Dr. Love

BARBIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with