^

Dr. Love

Hindi pa napapatawad

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Inaamin ko na nagkasala ako sa misis ko.

Kahit limang taon na ang nakalilipas nang pangangaliwa ko sa kanya.

Para bang dapat kong pagdusahan ang nagawa ko ng habang buhay.

Tuwing nag-aaway kami, hindi niya mapigilan na banggitin ang kasalanan ko.

Lalo na ngayon na may sakit ako, lagi niyang isinusumbat na dun daw ako sa kabit ko magpaalaga.

Aminado naman ako sa pagkakamali ko, pero nasasaktan din ako.

Hanggang kailan kaya ako tuluyang mapapatatawad ng misis ko?

George

Dear George,

Mahirap sabihin kung kailan ka tuluyang mapapatawad ng misis mo.

Pero ang bagay na ito ay hindi naman imposible, kaya lamang sa madalas na pagkakataon hindi nagiging madali, lalo na kung matinding hinanakit ang naidulot sa taong nasaktan.

Gayunpaman, ang mahalaga ay patuloy mo pa ring patunayan sa kanya na nagbagong buhay ka na.

Gawin mo ito nang may buong tiyaga, katapatan at pagmamahal, pasasaan ba at lalambot din ang puso niya at ganap na mabubura sa isip ang sakit kung mapapanumbalik mo ang seguridad niya sa puso mo.

Ipaalala mo rin sa misis mo nang may lam-bing, na hindi na dapat pang inuungkat ang nakaraan. Bagama’t ganyan talaga ang consequence ng iyong kasalanan.

Huwag mong kalimutan sabihin sa kanya na  siya pa rin ang iyong pinili, bilang patunay ng iyong pagmamahal sa kanya.

Sa lahat ng hakbang na gagawin mo, lakipan mo ng taimtim na panalangin, dahil prayer works.

Panahon lamang ang makapagsasabi kung kailan maghihilom ang sugat na idinulot mo sa iyong misis.

Dr. Love

MISIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with