^

Dr. Love

Bff ni ermat ang ahas

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Nakakaawa lang siya dahil wala siyang kamuang-muang na matagal na siyang pinagtataksilan ng tatay ko.

Hindi ko ma-imagine kung alam lang ni nanay na kalandian ni tatay ay walang iba kundi ang best friend niya.

Sa maraming pagkakataon, talagang gusto ko nang ibuking si tatay. Pero napipigilan pa rin ako ng takot.

Natatakot po kasi ako na, ako ang ma-ging dahilan ng kanilang away. Hindi kaya ng kalooban ko na magsigawan ang mga magulang ko dahil sa akin.

Pero sa kabilang banda, paano naman ang kawawa kong nanay? “F na F” pa naman ang bff niya sa pagka-feeling close, pero may hidden agenda pala sa relasyon ng aking mga magulang. Gusto niya po kasi na hanapan ng butas ang pagsasama ng tatay at nanay ko para maka-eksena siya. Ang bad ‘di po ba?

Hindi ko po nga-yon alam, Dr. Love kung saan ako lulugar. Pagpayuhan po ninyo ako.

JK

Dear JK,

Kung hindi ka magsasalita, malalaman at malalaman din naman ng nanay mo ang totoo. Pero higit na magiging masakit ito kapag nalaman niya na alam mo na pero nagsawalang kibo ka o sino man sa inyong pamilya. Kaya kung ako sa’yo, hingin mo ang tulong ng nakakatanda sa pamilya para siyang mamagitan. Para sila mismo ang magpaliwanag sa panloloko ng tatay mo. Ito ay kung gusto mong matigil na rin ang pang-aahas ng bff ng ermat mo.

Dr. Love

JK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with