Buntis
Dear Dr. Love,
Nakakahiya man po aminin, buntis ako ng dalawang buwan. Hindi ko sinabi sa boyfriend ko dahil naghihintay pa ako ng timing. Pero nagbago ang isip ko, dahil nahuli ko siyang may ibang babae na kinakatagpo.
Ang sakit-sakit po, lalo nang aminin niya ang tungkol dito. Akala ko ‘yun ang sukdulan ng sakit sa kalooban, pero hindi pa pala. Mistulan akong binuhusan ng malamig na tubig nang sabihin niyang wala na raw siyang nararamdaman para sa akin. Kaya naisip ko na wala nang dahilan para sabihin ko pa sa kanya ang kalagayan ko.
Iniisip ko na lang, na sa sarili kong pagsisikap ay palalakihin ko ang anak ko. Pero nanghihimasok ang tatay ko na gustong papanagutin ang boyfriend ko. Pero paano ko sasabihin kung ayaw na niya sa akin, ano ba dapat kong gawin?
Kathy
Dear Kathy,
Huwag mong isipin na nanghihimasok ang iyong ama. Ang hangad lamang niya ay maiayos ang iyong kalagayan.
Masakit sa isang ama na makitang bastarda ang anak niya. Pero ipaliwanag mo sa iyong ama para maunawaan niya ang plano mo. Ang balak mong pagpapalaki sa iyong anak na hindi na kasama ang kanyang ama.
Dr. Love
- Latest



















