^

Dr. Love

Working student

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang nursing student at call center agent sa gabi kaya challenge ang pagpasok ko sa school. Ito rin ang dahilan kung bakit ako nahihirapan sa mga subject ko.

Graduating na sana ako. Pero meron akong failed sa isa kong major subject. Expected pa naman ni mama na matatapos na ako ngayong second sem.

Nawawalan na tuloy ako ng gana. Natatakot akong magsabi sa nanay ko. Ano ba ang dapat kong gawin?

Lucy

Dear Lucy,

Huwag mong isipin na ikaw ay nag-iisa sa laban na ito. Maraming estudyante ang nakararanas ng ganyang pressure. Lalo’t isa kang working student.

Huwag mo nang patagalin. Sabihin mo sa mama mo ang iyong sitwasyon. Tiyak na mauunawaan ka niya. Huwag kang matakot humingi ng tulong sa mga taong malapit sa iyo. Ang pag-aaral ay isang proseso kaya mas higit na kailangang mo ng tulong ng iba. Huwag kang sumuko, at bumawi ka sa iyong pag-aaral.

Marami na ang nakalampas sa hamon ng pagiging working student, kaya naniniwala ako na magagawa mo rin para sa iyong mga pangarap.

Dr. Love

CALL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with