Nabistong may iba na ang bf
Dear Dr. Love,
Ako po ay isang 26-taong gulang, may boyfriend at 4 na taon na kaming nagli-live in.
hindi ko sukat-akalain na may matinding rebelasyon na mamamagitan sa aming relasyon. Ito ay makaraang maiwanan niya ang cellphone niya sa bahay namin.
Papasok na siya ng trabaho nung araw na yun. Wala naman akong iniisip na anything, hanggang maisipan kong i-check kung naka-on pa ba o baka low batt ang cp niya.
Pero parang pinag-aadya na lumantad sa akin ang mga message na tinanggap niya. Dun ko na po nabasa ang mga text na guminbal nang husto sa akin.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Totoo pala ang ganong paglalarawan gaya sa mga love story na papanood at nababasa ko rin.
Ang dahilan po nito, may ibang babae siya. Dahil sa mga sunod-sunod na conversation nila, nalaman ko rin na madalas silang mag-tawagan at ang matindi hindi iilang beses na silang palihim na nagkiita.
Daig ko pa ang binagsakan ng langit at lupa dahil sa sobrang sakit at galit ang nararamdaman ko, Dr. Love. Pero hindi ko alam kung paano ko siya kokomprontahin.
Gusto ko sanang mahuli sila sa akto, para pareho ko silang masapak at makaganti man lang ako.
Ano ba ang dapat kong gawin?
Lin
Dr. Lin,
Hindi kita masisisi sa nararamdaman mong matinding galit at sakit ng kalooban. Dahil talaga naman hindi maganda ang pakiramdam na niloko at pinagtakasilan.
Pero alam, sa isang banda ay maipagpapasalamat mo pa yan. bakit kamo? Dahil hindi kayo kasal, mas mahirap ang situwasyon kung nakatali ka na sa kanya. Ang mahal kaya magpa-annul.
Ang payo ko, huwag mong dungisan ang iyong mga kamay para makaganti lang sa kanila.
Mag-move on ka na agad para sa paghilom ng puso mo. Dahil hindi mo deserve na dalhin pa ang kabigatan ng kataksilan.
Malaya ka pa rin kaya magagawa mong harapin ang bagong umaga para makapagsimulang muli.
Huwag ka nang mag-aksaya ng oras. Tandaan mo, ang self-love at respeto sa sarili ay mahalaga.
Hindi mo siya deserve. Kaya burahin mo na siya sa isip at puso mo.
Dr. Love
- Latest

















