Gustong maging matatag para sa ina
Dear Dr. Love,
Gusto ko po humingi ng payo at lakas mula sa inyo. Ang aking ina nasa ospital ngayon, at ako lang ang nag-aasikaso sa kanya. Dati kasama ko si ama pero nauna na po siyang pumanaw.
Minsan po ay nararamdaman ko ang bigat ng lahat. Pero ang gusto kong iparamdam sa aking ina na hindi siya nag-iisa sa laban.
Ano po ba ang maaari kong gawin para mapalakas ang kanyang loob at mapanatili ang tatag at pag-asa ko? Lubos po akong umaasa sa inyong payo, Dr. Love.
Yani
Dear Yani,
Hindi mo kailangang buhatin ang lahat nang mag-isa. Alagaan mo rin ang iyong sarili. Maglaan ka ng oras para sa pahinga, tamang pagkain, at kaunting sandali ng katahimikan.
Huwag ka rin mahihiyang humingi ng tulong kung kailanganin mo. Higit sa lahat, ipagpatuloy mo ang panalangin. Ang iyong ina ay makakaramdam ng kapayapaan kung nakikita niyang matatag ka.
Kasama mo ako sa panalangin na malampasan ninyo ang pinagdaraanan ninyo.
DR. LOVE
- Latest

















