^

Dr. Love

Iniwan dahil maliit si ‘manoy’

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Limang taon na akong hiwalay. Mismong misis ko ang umalis at sumama sa best friend ko. Nakakahiya man sabihin, pero ang dahilan kung bakit ayaw sa akin ng dati kong asawa ay dahil naliliitan daw siya sa akin kargada.

Anong magagawa ko kung maliit lang si manoy? Ang kakulangan kong ito rin ang iniisip kong dahilan kung bakit hindi kami nagkaroon ng anak.

Marahil hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko ang katotohanang ito, kung kaya nananaig sa akin ang hiya na kumunsulta sa espe-syalista.

Aminado po ako sa napakalaking epekto nito sa aking pagkatao. Hindi na gaya ng dati ang kumpiyansa kong manligaw. Natatakot akong ma-reject dahil sa kapintasan ng maliit kong manoy.

Ano ba ang dapat kong gawin? Pagpayuhan po ninyo ako.

Zelso

Dear Zelso,

Huwag ka agad mawalan ng pag-asa. Hindi mo malalaman ang tunay na dahilan ng hindi mo pagkakaroon ng anak o maging ng posibilidad na ma-overcome ang insecurity sa pagkakaroon ng maliit na manoy kung hindi ka kukunsulta sa mapagkakatiwalaang espesyalista.

Malaking bagay ang pagkakaroon ng kaalaman sa tunay na estado ng iyong manoy, para maibalik ang kumpiyansa mo sa sarili.

Hindi rin naman lahat ng babae ay nakabase sa size ng kargada, sa kanilang pakiki-pagrelasyon.

Marahil hindi mo palang natatagpuan ang tunay at wakas na pag-ibig mula sa isang babae na handang tanggapin maging ang mga kakulangan mo.

Huwag mo limitahan ang sarili mo. Kung hindi kayo kasal ng misis mo, sang-ayon ako na subukan mong manligaw uli. Pero maging tapat ka sa iyong kalagayan.

Naniniwala ako na may babaeng nakalaan para sa’yo, na magmamahal ng tapat at totoo, ano pa man ang imperfection na meron ka.

Hangad ko na matagpuan mo ang babaeng magpapasaya sa buhay mo.

Dr. Love

MANOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with