^

Dr. Love

Iiwan na ba ang pagtugtog?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po. Ako po si Rico, 35-anyos na musician at tumutugtog sa banda sa isang bar dito sa Maynila. Mahilig talaga ako sa music — ito na ang buhay ko mula pa noong kabataan ko. Kapag nasa entablado ako, parang lahat ng problema ay nawawala.

Pero nitong mga nakaraang buwan, matumal ang customer sa club namin.

Minsan isang gabi lang may gig, minsan pa wala. Kaya ayun, kinakapos kami sa gastusin. Madalas na akong pinagsasabihan ng misis ko na tigilan ko na raw ang pagtugtog at maghanap ng mas “matinong” trabaho.

Naiintindihan ko naman siya — gusto lang niyang masigurong may makakain kami sa mesa.

Pero hindi ko rin kayang iwan ang banda, kasi ito ang tanging nagpapasaya sa akin.

Minsan, nag-aaway na kami dahil doon. Sinasabi niya, puro musika lang daw ang iniisip ko, pero sa totoo lang, ginagawa ko ito hindi lang para sa sarili ko, kundi dahil umaasa akong balang araw, makikilala rin kami at gaganda ang takbo ng buhay namin.

Dr. Love, tama po ba ang misis ko na dapat ko nang tigilan ang pagtugtog para mag-focus sa mas stable na trabaho?

O ipaglalaban ko pa rin ba ang passion ko kahit minsan ay walang kita?

Rico

Dear Rico,

Nauunawaan ko ang hirap ng isang taong nabubuhay sa pagitan ng passion at responsibilidad.

Walang masama sa pagtugtog sa banda — sa katunayan, iyan ay isang biyaya.

Ngunit tandaan mo, ang tunay na musi-kerong may puso ay hindi lang marunong tumugtog, kundi marunong ding umayon sa himig ng buhay.

Kung sa ngayon ay matumal ang gigs, hindi mo kailangang tuluyang iwan ang musika. Maghanap ka muna ng trabaho o sideline na makatutulong sa pang-araw-araw ninyo. Sa ganitong paraan, hindi ka mawawalan ng kita, at hindi rin mawawala ang pagkahilig mo sa tugtugin.

Maaaring isang panahon lang ito ng pagti-timpi. Kapag muling bumalik ang sigla ng mga gig, baka muli ka ring makabalik sa entablado — pero ngayon tutukan mo ang kapanatagan hindi lang para sa’yo, kundi lalo na para sa pamilya mo.

DR. LOVE

MISIS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with