Nagsisisi
Dear Dr. Love,
Gusto ko lang po ilabas ang bigat ng loob ko. Maaga po akong nag-asawa — 19-anyos pa lang ako noon. Akala ko po noon, sapat na ang pagmamahal para magtagal ang isang relasyon. Pero hindi pala ganon kadali ang buhay may-asawa.
Ngayon, pakiramdam ko ay naiwan ko ang sarili kong mga pangarap. Habang nakikita ko ang mga kaibigan kong nakapagtapos ng pag-aaral, may maayos na trabaho, at nakakalibot kung saan-saan, naiisip ko...“Sana ako rin. Kung puwede lang sana, gusto kong ibalik ang oras.”
Dr. Love, mali po ba na magsisi ako? At paano ko po mababalik ang tiwala sa sarili ko at ang sigla ko sa buhay?
Anna
Dear Anna,
Ang pagsisisi ay hindi masamang damdamin.
Hindi mo kailangang iwan ang pamilya mo para mahanap ulit ang sarili mo. Ang kailangan mo ay balanse. Makipag-usap sa asawa mo tungkol sa mga pangarap mo. Baka sa tulong niya, makuha mo ulit ang mga pangarap na naantala. Hindi pa huli ang lahat.
DR. LOVE
- Latest




















